Wednesday, December 31, 2008

Happy New Year!!!

Wednesday, December 31, 2008








Tuesday, December 30, 2008

ASAP '08 - That's Christmas - Kakatuwa

Tuesday, December 30, 2008
GROUP 1
Rachelle Ann Go, Gary Valenciano, Gabriele Valenciano, John Prats, Jake Cuenca, Jay-r Siaboc, Yeng Constantino, Matt Evans, Sheryn Regis, Zanjoe Marudo, Will Devaughn, Rafael Rosell, Shaina Magdayao and Toni Gonzaga.




GROUP 2
Vhong Navarro, Anne Curtis, Sam Milby, Jericho Rosales, Rayver Cruz, Gerald Anderson, Vina Morales, Erik Santos, Christian Bautista and Sarah Geronimo




Group 3
Billy Crawford, along with Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jed Madela, Ronnie Liang, Mark Bautista, Kim Chiu, Nikki Gil, Melissa Ricks, Maja Salvador, Karylle, Arnel Pineda and Zsa Zsa Padilla




The best ang Group 3... lol


PINOY PRANK!!!

Eto ang ilang videos na napanood namin kahapon sa bahay nila kriza... Well, si Adrian nagpakita samin nito.. and tawa kami ng tawa..:D.. Ginaya yata nila dito ang Japanese Prank eh...

Anyway, watch this...


"Underpass Student Prank"



"Alley Student Prank"



"School Canteen Prank"


Basta ako natawa ako... =))

Thursday, December 25, 2008

Merry Christmas...

Thursday, December 25, 2008
Last year, nagkakaron ng isang maliit na party dito sa Simpao Compound. Nagkaron ng Volleyball Tournament, and ehem, kami ang nanalo.. After the tournament, exhchange gift na...

Pero ngayon, nagkaron na ng games, after ilang years na nawala ang games dito sa compound, naibalik na siya ngayong taon.

Nagsimula ng bandang 8:30, inantay pa kasi ang buong miyembro ng pamilya..

Inumpisahan ang party ng dasal, na pinamunuan ni Tita Vangie, pagkatapos ng dasal, shining moment na ni olens, kumanta siya ng "Lupang Hinirang", ang galing.. In fairness, ang daming natuwa(including Uncle Danny, ganda kasi ng ngiti niya eh).. hehe

Para maiba naman ang takbo ng program, imbis na umpisahan sa exchange gift, inumpisahan na agad sa games.. Unang Laro, "Pin the Obet", imbis na "Pin the Donkey", pin the obet nalang, para kwela.. haha... Ang batang makapaglalagay ng pinakamaayos na Santa Hat sa ulo ni Tatay Obet, ang siyang mananalo... Ang mga kasali.. EJ, Owen, Betong, Shamaye, and Olens.. Ang nagwagi... Si EJ(ang daming coach eh.haha)!!!! Lol..

Second game.. "Get that Piso". Unahan makuha ang piso sa plato na punong puno ng arina... Bawal gamitin ang kamay, bibig lang ang pwedeng gamitin sa pagkuha ng barya.. Ang mga kalahok. Ericka, Janjan, Kiko, Neneng and Tintin.. Ang nanalo... Si Kiko...!!! =))

Third game... "Trip to Jerusalem"... Malamang alam na ng lahat kung pano ang game na to, ang hindi may alam kung pano ang mechanics ng game na 'to, mabuti pa, bumalik ka sa pagkabata.. =)).. Ang mga kasali, EJ, Olens, Owen, Betong and Shamaye... Ang nagwagi... Si Owen..

(Dagdag impormasyon lamang po, si Olens po ang unang-unang natanggal, at marahil hindi niya matanggap ang pagkatalo, siya po ay naiyak... At ang nanay niya kasi, pinagtawanan pa siya.. Kaya ayun, iyak si Uloponggus!!! =))..)

Fourth game.. "Saluhang itlog--Matanda Version..". Ang saluhang itlog ay isa sa mga larong nakagawian nang laruin sa Simpao Compound tuwing sasapit ang Bisperas ng pasko, pero ngayon, nang maiba naman, imbis na ang mga not-so teenagers ang maglalaro ng game na ito, ang mga not-so matatanda ang maglalaro(sa madaling salita, ang mga may asawa na..).. Mga kalahok. Vangie-Danny, Alice-Ongie, Pek-Toto, Ine-Obet... Unang Ronda de Eliminacion, maglalaban sina Vangie-Danny at sina Alice-Ongie... Guess What, nanalo ang team America(Vangie-Danny).. Pangalawang sasabak sa Ronda de Eliminacion ay sina Pek-Toto at Ine-Obet, ang nanalo at ang lalaban kela Vangie-Danny ay sina Pek-Toto.. Championship na, lahat ay nababalot ng tensyon at lahat ay isa-isa nang pumipili ng kani-kanilang mga manok.. Syempre, dahil sipsip ako, kay Tita Vangie ako kakampi.. haha.. And sina Vangie-Danny nga ang nanalo....(Hindi ko alam kung pinagbigyan nalang sila o talagang mahusay silang sumalo ng itlog.. =)))

Ang fifth and last game, Syempre sa mga pa-teenagers effect na ito... ang "Sack Race".. Malamang, alam niyo na din ang mechanics nito.. Self-explenatory nalang yan no!!! Anyway, Team A:Neneng, Cori, Melissa, Rina, Lenlen, Mico, and Bong. Team B:Cheche, Ericka, Dadang, Tange(Yours Truly), Dudong, Avin and Kiko. Unang round, nanalo ang team B, pero sa pangalawang round, nanalo ang team A.. Dahil sa unit-unting pagtanda ng mga kalahok, mabibilis nang mapagod, napagkasunduang tabla nalang ang laban... LOL!!!

(Karagdagang impormasyon uli, sa unang round, si Neneng ng Team A, ay naka-experience ng pananakit ng paa, malamang, dulot ito ng bako-bakong sahig, at hindi pagsuot ng saplot sa feet during the race, kaya napilitang gawin substitution si Tintin upang maipagpatuloy ang kasiyahan.... Samantalang, sa second round, si Ericka ng team B ay hindi sinasadyang madapa habang nakikipag-karerahan sa kalaban, at matinding natamaan ang kanyang dibdib...... At ang pinakamatanda na si Cheche ng team B ay mayroong sprain sa paa - FYI, meron na siyang sprain bago pa lang magsimula ang patimpalak. Natapilok ata.. tsk tsk, iba talaga pag tumatanda na, humihina na ang paningin, hindi na nakikita ang mga hazards sa daan.. Lol!)

Pagkatapos ng mga games, inumpisahan na Exchange gift... Siyempre, simula ito kay Mama Puring dahil siya ang pinakamatanda sa lahat[parang kelan lang, si acoy(Rest In Peace) ang palaging nag-uumpisa ng exchange gift kasi siya ang pinakamatanda]... Anyway, basta ako, ang nabunot ko si Ate Rina... :)

Thanks to lenlen for the unan, siya kasi nakabunot sa akin eh.. :)



Bago pa dumiretso sa Pot, nagkaron muna ng isang maikling presentation ang mga seksing(?) kababaihan dito sa Compound... Sila ang mga "Butandings", Sila ay sina Melissa, Dadang, Cheche, Cori(oo cori, included ka na sa mga butandings.. tsk tsk), at ang kanilang leader na si Ate Tina... LOL!!!

Eto po ang kanilang presentasyon... (Sa mga kumakain po, maari po lamang na itigil muna nila ang kanilang pagkain, dahil medyo nakakaumay ang inyong mapapanood, and also, parental guidance is advised.. Maraming salamat po... =)))



Pagkatapos ng kaumay-umay na presentasyon, dumeretso na agad kami sa Pot, sa tig-bente bente per head at sa dagdag na pera ni Uncle Danny at Tita Vangie, kami po ay nakalikom ng php1,260 na ilalaan kung sino man ang mapalad na hindi mabubunot... Para umpisahan, si EJ ang nagsilbing chairperson, ang unang bubunot, at dahil love na love niya si Tita Sarah, siya ang nabunot.. hahaha.. Bumunot na ng bumunot hanggang sa may maiwang apat... Si Mama Mita, Papa Roger, Shamaye and Cheche... Sa apat na ito, unang nabunot sa Papa Roger, dahil wala si papa Roger, ang kaniyang butihing maybahay na lang ang bumunot para sa kanya, sa kasamaang palad, pagkabunot ni Mama Mita, Wapak!!! Sarili niya ang nabunot niya.. Lol... So dalawa nalang ang natitira, Si shamaye at Cheche.. Ang dalawang babaeng magkaiba ng edad, ngunit magkapareho ng height, =))... Anyway, na kay Mama Mita nakasalalay ang mananalo, pero bago bunutin ang name, napagkasunduan na ang 2nd price ay makakatanggap ng php500, samantalagang ang mananalo ay makukuha ang naiwang halaga..... Eto na, moment of truth, The winner, of Simpound Compound Pot, 2008 ay si.............. Cheche!!! Huwaattt??? napaka-swerte ni Cheche sa pot kasi last last year sya nanalo sa pot sa Tramo eh.... Samantalang kami, ang aga namin nabunot.. haha.. Anyway, tuwang tuwa naman ang magulang ni Shamaye dahil alam nilang sila makikinabang ng limang daang piso na napanalunan ni Shamaye, kawawang bata.. hehe..

Pagkaraan ng ilang minuto matapos ang pot, pumunta na kami ni Cori ng tramo, para magkaron din ng simpleng salu-salo para sa Pasko... Well, simpleng exchange gift worth php200.. Nakabunot sakin si Ate Nadia, and guess what? I really really really love her gift... Bag na white(sakto pamasok...) and Mug na may picture naming dalawa ni Sophia(ine-endorse nila ang kanilang business.. haha), ang nabunot ko si Ate Tata, binigyan ko siya ng Polo Shirt from Greenhills(Uy, lagpas php200 yun ah.. =)))

eto yung gift sakin ni Ate Naj... Salamat Ate Naj, I Love it!!!


After ng exchange gift, kainan na, yung iba nag-iinuman.. Pero ang best part, ang chismisan.. hahaha.. Samin nalang yun, kung ano napag-chismisan... Umuwi kami ng 2:00am, and we are all ready for the coming of our savior, Jesus Christ.. :)

~oOo~

Merry Christmas sa lahat...

Ate - salamat sa regalo/padala.... Ur the beast este, best talaga... Love yah..

Cori - Ganda ng gift sayo ng Chubs mo, testing mo na ah.. hehehe.. Manlibre ka naman, balita ko tiba-tiba ka kay Uncle Danny eh.. haha Love yah din... :)

Tolz Rosel and Dhan - How's ur Christmas Towls?? Miss you na... :)






P.S.

Pasensya kung walang pictures, na-corrupt kasi ang digicam ni Tita Vangie eh, nabura lahat ng pictures sa kanya Jijicam.. :)


Thursday, December 18, 2008

All By Myself...

Thursday, December 18, 2008
Hayy, eto ako,

mag-isa sa bahay, nag-iisa...

Ang aking pamilya iniwan ako mag-isa..

Umalis, nag-grocery...

At dun na din kumain ng dinner..

Eto ako,,

mag-isa kumakain ng dinner... haayyy

Kawawa naman ako..

=))







>>Wala lang akong magawa.. =))


~oOo~

Anyway, Here's Achey's new Video...

A Little Too Not Over You..

Enjoy.!!!




Saturday, December 13, 2008

Hahaha... Funny!

Saturday, December 13, 2008

The House Bunny


Pinanood ko 'to kagabi, and tawa ako ng tawa.. Sayang lang, hindi maganda ang sounds... Pero, don't worry, bibili ako ng mas maganda sa Carriedo.. hehe



Friday, December 12, 2008

Yay!!!

Friday, December 12, 2008
Nick And Starr - Amazing Race 13


Yeah yeah, late na tong post ko 'bout sa Amazing Race 13, medyo naging busy kasi sa school kaya ngayon lang nai-blog...

Anyway,

Ang pangalawa sa pinaka-gusto kong pair sa Amazing Race 13 ang nanalo.. wuhoo!!!

Sayang, mas maganda sana kung si toni and dallas ang nanalo.. Still, happy na rin ako na nanalo 'tong magkapatid na to, very sweet kasi sa isa't isa at parang wala akong napanood na episode na nag-away sila...

"23 Days, 5 Continents and almost 40,000 miles... Nick and Starr, you are the official winners of the Amazing Race, congratulations, you have won the $1,000,000"



Shiyet...

Shiyet, one week nalang Christmas Vacation na...

Salamat, mawawala din sa pangingin ko mga taong "KUPAL" kong *****mates.... Kahit panandalian lang

Mga demanding, feeling superior, grabe magpahanap ng mga health centers, sila ba naghahanap? wag nila kaming lokohin noh... mga wais sila!!!

Kung mag-approach pa, akala mo anak ng presidente!!!NAKUUU!!!!!!

Lalo ko tuloy na-miss mga dati kong ka-block mates...

~OoO~

Anyway, nung makita ko video ni beyonce ng "Single Ladies", nawala inis ko...

Nakakatuwa kasi yung steps.. Panuorin mo.. hehe



~oOo~


Anyway, gandang gabi nalang... :)

Makapag-update lang. haha


Monday, December 08, 2008

10 signs na malapit na ang pasko

Monday, December 08, 2008
1. Tumuntong na ang buwan ng Disyembre at Advent week na

2. Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin

3. Maliwanag na ang mga kalsada't kalye dahil sa mga Christmas lights

4. Meron ka nang maririning na mga batang nagka-caroling at meron nang kumakatok sa gate namin para magbigay ng sulat na magka-caroling sila dito sa loob ng compound namin

5. Ang mga sidewalk sa libertad ay puno na ng mga sidewalk vendor na nagtitinda ng mga pwedeng ipang-regalo sa pasko

6. Nagsimula nang magbunutan para sa exchange gifts

7. Nagsisimula nang dumami ang laman ng ref namin, senyales na unti unti nang namimili ng mga pagkain na kakainin sa pasko

8. Ang mga malls, LRT stations, grocery stores ay nagpapatugtog na ng mga Christmas songs

9. Ang mga nago-opisina ay excited na sa Christmas bonus samantalang ang mga bata at bata-bataan ay excited na sa kanilang Aginaldong matatanggap sa pasko

10. At syempre, lahat ng tao ay busy na sa pag-Christmas shopping nila, kung ano ang ihahanda sa pasko, kung ano ang ibibigay sa mga inaanak, kung ano ang ireregalo sa mga kaibigan at syempre, kung ano ang iyong susuotin(ang pinaka-gusto ko sa lahat ng shopping)..


17 days nalang.... PASKO NA!!! WUHOOO!!!


Wednesday, December 03, 2008

Uhm...

Wednesday, December 03, 2008
Uhm.... Grabe ah... Sobrang nakakapagod itong araw na ito... Nagpunta kami sa Binondo, Manila para mag-interview ng 50 families... Nung una, nakakatakot, baka kasi magulo at baka mapag-tripan lang kami dun, pero mali ako.. Mababait pala mga tao dun, very cooperative, and yung ibang tao, tinulungan kaming maghanap ng iba pang tao para mainterview...

Resulta,,, Kapagod.. Pero masaya... Bait talaga ng murmur ni Vanessa..

Thanks murmur ni Vanessa sa food.. :P.. hehe


~oOo~

Uhm.. Damn, sobrang L.S.S.(Last Song Syndrome) ko ngayon tong kantang to... I LOVE IT... Narining na namin 'to ni Cori dati sa ASAP '08 pero nakalimutan naming i-download, naalala lang namin nung narinig namin pareho sa radio... :)


>>Eto yung video ni Sarah sa ASAP '08
>>Grabe, ang hirap ng ginawa ng mga dancers ng ASAP, sino kaya choreographer nila? papaturo din ako ng mga modern steps... hehehe


If I Were A Boy





Listen...



~oOo~


Uhm... I hate insects... Ipis, cockroach, langgam, ants.. basta ayoko ng mga insekto... Isa na dito ang bubuyog..

Kanina, habang nakaupo ako sa gym ng school namin, bigla nalang akong may napansin na dumaan sa mata kong color yellow, ewan ko kung ano yun. Pag tingin ko nalang sa loob ng polo ko, may bubuyog!!! Gosh, nag-panic agad ako... natanggal ko ang unang butones ng polo ko, matanggal lang ang bubuyog... Ang masaklap pa, bago umalis ang bubuyog, naisipan nya muna akong tusukin... And ang sakit sakit... Grabe... Hanggang ngayon medyo masakit pa yung tinusukan ng bubuyog na yun!! Hayup na yun, sa dami dami ng mapagti-tripan, ako pa..

Nagwo-worry lang ako.. may rabies ba ang bubuyog? =))


~oOo~
Good Night...

Ngayon ay 8:00pm na, 30 minutes nalang... I Love Betty La Fea na!!! Wuhoo!!!


22 Days nalang, pasko na!!!!


 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket