Friday, January 23, 2009

it's time to update my blog.. lol

Friday, January 23, 2009
Well, ang huling blog ko ay tungkol sa pag-aantay ko kay Cori kasi gagawa kami ng teaching plan... At gusto ko lamang i-share ang nangyari sa health teaching namin..

Hindi naman siya actual health teaching na kaharap mo ay madaming tao at magsasalita ka ng kung anu-anong related sa inyong napiling topic.. Ang nangyari sa amin, ang grupo namin ay hinati sa dalawa, at ang dalawang yun ay kailangan mag-present sa harapan.. Kunwari kaharap mo ay totoong mga tao sa isang barangay. Ang sa amin, napili namin ay Time Management, buti nalang madali lang siya i-explain at kailangan tagalog ang gagamitin naming language[kasi nga, kunwari mga tao sa barangay ang mga kausap namin.. Kapag nag-english kami, baka ma-epistaxis(nosebleed) sila.. hehe].. Ayun, okay naman, masaya siya, kasi masarap pala ang feeling ng busy-busyhan ka kunwari.. hehe.. Nakakatuwa din ang mga ka-sub-group ko, very cooperative.. :)


Salamat kay Cori sa pagtulong gumawa ng teaching plan.

Kay ate Jen, sa pagtulong gumawa ng objectives.

at sa iba kong RLE group na epal, salamat sa pag-sabutahe samin, mga hayup kayo, may araw din kayo samin.. X(


~oOo~

Last January 14, nagsimula na ang American Idol season 8.. Well, all I can say is, "THANK GOD!!! may AI na ule. wuhoo.." hahaha.. At may bago silang judge, si Kara Dioguardi, okay naman siya, bagong kaaway ni Simon.. haha.. Atleast may kakampi na si Paula Abdul..

Syempre, namimili na kami ng bet ni Cori... Nakita niyo naman sa blog ni Cori na gusto niya si Michael Castro, kapatid ni Jason Castro na last season ay pang-top 4.. hehe.. Kung ako tatanungin kung sino na ang aking bagong bet..uhm... IDK, Archuleta pa din eh, wala pa akong nakikitang talagang magaling eh... Baka mapahiya na naman ako.. Last season kasi sabi ko it's either si Kady Malloy or si Kristy Lee Cook ang magiging AI Winner, pero shet!!! SI Kady Malloy hindi umabot sa top 12 at si Kristy Lee Cook naman Vote For The Worst, panlaban kay Sanjaya.. =))

Siguro antayin ko muna matapos ang Hollywood week bago mamili ng magiging manok..



~oOo~

January 14 and 15, ay nagdiwang ng birthday ang nanay at tatay ko.. Well, sabi nga nila, plus one na naman ang edad nila.. haha

Bumili nalang ng cake si Cori nung Jan 15, at nung Jan 17, nagluto si Cori and TJ for them.. Sweet noh.. :), marunong talaga manlambing to si TJ, dinadaan sa pagkain ang pagpapalakas... =))

Eto ang video nung kinantahan namin si Mommy and Daddy..




Happy birthday mom and dad..


~oOo~



Grabe, minsan naisip ko, may isip tong N73 eh... Eh kasi, last week, sobrang nagloloko siya.. Laging memory full ang messages kahit wala naman laman ang inbox ko, ang nangyayari tuloy hindi makapasok ang new messages ko.. Well, nagsumbong agad ako kay ate, tinanong ko agad kung nung hawak pa niya ito ay nagloloko din ba.. Sabi niya hindi naman daw.. Shiyet, nag-iinarte yata itong cellphone na to ah, ayaw sa Pilipinas, mukhang naiinitan sa klima.. =)), then, sabi ni ate, i-restore factory settings ko daw.. Edi ginawa ko na agad. Umayos naman siya, pero mga 2 days lang, nagloko na naman, damn, badtrip.. Sumbong ule ako, sabi ni ate, may nabasa daw siya sa mga forum na ganun daw talaga ang problema ng N73, nagme-memory full kahit wala naman laman ang messages mo.. And sabi ni ate, dalhin ko na daw sa Nokia center itong phone para maayos, siya nalang daw magbabayad.. hehe. siyempre pumayag agad ako, masama tanggihan ang grasya.... haha..

Hindi ko agad siya nadala sa Nokia Center kasi medyo walang time(naks, busy-busyhan), at nung nagkaron na ako ng time dalhin siya.. ABA!!! Akalain mo yun, umayos.. Hindi na nagloloko.. Well, hanggang ngayon maayos pa din siya(Pwera usog!)..

Parang bata tong cellphone ko, takot magpagamot... =))


~oOo~


Last last week, nagkaron na ako ng lakas ng loob para tulugan ang matagal nang bakanteng kwarto sa amin... Well,, all I can say is.... ang sarap ng feeling.. Alam mo yung feeling na, wala kang katabi sa kama(Well, no offense kay mommy, =))), yung tipong kahit umikot ikot ka sa buong kama na walang kang nasisipa or nabubunggo... And nagagawa ko lahat ng gusto ko kasi unlike dati, kunwari may tumawag sakin sa cellphone ng gabi na, syempre lalabas ka pa ng kwarto kasi natutulog na si Mommy, at yung pagbalik mo tatanungin ka kung sino yung tumawag, pag sinabi mo pang "Wala yun", ay sasagutin ka pa ng "Anong wala, pwede ba naman yun,,(Medyo pasigaw!)", syempre, wala kang choice kung hindi sagutin ang tanong niya.. =))...

Yun nga lang, hindi mawawala ang paninibago. Yung first two nights ko, super hindi ako makatulog.. at medyo naiilang pa ako.. Bukas ang ilaw sa may banyo kasi nakakatakot pag super madilim.. hehe.. Ang nangyayari sa akin, makakatulog ako ng mga bandang 10pm, at magigisng ako ng bandang 2am na pawis na pawis at namamanhid ang aking katawan... pero nung sinubukan kong patayin yung ilaw, ayun, nakatulog ako ng maayos... hehe..

Basta, ang sarap magkaron ng sariling kama.. =))


~oOo~



ANG DAMING GASTOS NGAYON!!!

Namumulubi ngayon ang nanay ko sa dami ng gastos...

RECOLLECTION - January 31 - February 1, 2009.. Magkano ang babayaran?, php1,100, overnight lang siya, at sa Quezon City lang siya.. Oh dba, kayang kaya kong umuwe mag-isa through MRT.. =))

NAME PLATE - all BSN students are required to have name plate... Magkano?? php280, oh diba, ang mahal... php70 lang yan sa Recto..

Gerilya Play - lahat ng may subject na Philippine Literature, Jose P. Laurel at Filipino ay required manood ng play na to... How much? php300.. Gosh!!! So mahal.. - January 23, 2009

Florence Nightingale Play - All Nursing students sa LPU ay dapat manood ng play na ito... Gagawin siya sa Q.C. around 8pm... OMG, pano ako uuwi ng lagpas 8pm ang oras, wala nang MRT nun... Anyway, magkano siya? another php300... Damn.. - February 6, 2009

MIDTERM EXAMS - Exam na naman, and kailangan na naman magbayad ng aking mommy ng tuition fee,,, mainit na naman ulo niya.. =)).. Feb 5 - Feb 11 ang exams... So, hello hell week... .sigh.


So, all in all, kulang-kulang php9,000 ang kailangan ilabas ni mommy sa wallet niya sa mga darating na linggo... Ang mako-contribute ko nalang, ay mag-aral ng MABUTI.. STUDY HARD!!! =))


~oOo~

Kakauwi ko lang from CCP, dahil nanood kami ng Gerilya... Nung una, nakakatamad, kasi baka kagaya siya ng Le Boheme na super nakakaantok.. pero shiyet.. Hindi ko napigilan ang tumawa ng tumawa.. umpisa hanggang dulo, buhay na buhay ang audience(including me)...

Mga artista ang ilan sa mga cast... Kilala ko sa name at sa mukha yung iba, pero the rest, sa mukha ko lang kilala...

Ang kilala ko lang sa name ay si Bembol Roco at si Kuya Boji(?) ng Epol Apple, naalala ko tuloy si Sophia, sobrang fanatic kasi yun ng Epol Apple eh.. haha...

Sobrang sulit ang php300 na binayad ko... Hindi ko kasi nagawang tulugan yung theater eh. =))


Eto ang ilang pics kanina..
Ayan si Kuyang Epol Apple.. lol



mga gutom na!! Kain muna Jobbie(Jollibee)

Me and Deyn


Me and Cess, Medyo maarte, ayaw daw ng picture pero nakangiti... hahah
..papunta nga palang CCP yan...


Anyway,

Next Activity ay ang recollection.. Hindi ako ganun ka-excited kasi hindi namin kasabay ang section 1, eh majority ng mga ka-close ko ay nandun... :(


~oOo~

Shiyet, parang pinagkasya ko lahat sa isang entry lang... hehehe.. Na-miss ko lang mag-blog.. lol



addendum...

Pagkauwi ko kanina, sabi sa akin ni Cori "Tange, hulaan mo kung sino magiging ka-duet ni CHARICE PEMPENGCO!", sabi ko naman "Sino?" At sabi niya "Si Archuleta!!"

ANAK NG... lalo akong na-urat sa pagmumukha nun ni pempengco!!! Itsura niyang yun, ihaharap kay Archey? Please!!! L-)

Basta, meron nang ka-level si Kris Aquino, si Charice Pempengco..

I_HATE_KRISAQUINO
I_HATE_CHARICEPEMPENGCO

:D/

~oOo~


Anyway, super kapagod na araw..

Gudnyt ebribody!!!

Happy Friday!!!

T.G.I.F.!!!

:D:D:D:D:D:D:D:D:D:D:D



Friday, January 09, 2009

Habang inaantay si Cori...

Friday, January 09, 2009
No classes today kasi kapistahan ng Black Nazarene.. oh dba, and saya!!!

Eh kasin from Luneta papuntang Quiapo ang nangyari, kaya medyo damay ang mga schools sa Intramuros.. hehe

Pero bukas, na dapat wala akong pasok, pupunta pa akong school, kasi yung mga school works na dapat tinatapos ngayon, bukas namin tatapusin, How suck is that??

~oOo~



Kelan ko lang napanood to, and tawa kami ng tawa ni Cori, magaling talaga si Pooh.. hehe


~oOo~
Anyway,
Have a super day...


P.S.
Inaantay ko ang kapatid kong si Cori kasi tutulungan niya akong gumawa ng teaching plan... Ready na lahat, powers nalang ni Cori ang kailangan. hehehe

Cori, where na u? Dito na meh...


Tuesday, January 06, 2009

Hey, Guess What???

Tuesday, January 06, 2009
At last, after 18 years na katabi ko mommy ko sa pagtulog, meron na akong ibang kwartong tutulugan... Eto ay yung kwarto ng Lola(Rest in Peace) ko... Well, nung una ayaw namin tulugan, since isang taon na ang nakakalipas, medyo nasanay na din kami and na-try ko na din matulog dun, kaya no biggie, I'm cool.. hehe

Wow, si "Don Ongie" busyng busy sa kanyang office works, and ginagamit niya ang kanyang laptop(nakapatay naman) hahaha..



P.S.
FYI, hindi lang aking itong kwarto, hati kami dito ni daddy. hehehe


P.S. again
Acoy, peram nung kwarto mo ah.. Salamat.. :)

Monday, January 05, 2009

Salamat Tita Vangie(soon to be Maninay.. haha)

Monday, January 05, 2009

WOW!!!! Ang una kong nasabi nang makita ko ang Stethoscope and Sphygmomanometer na binigay sakin ni Tita Vangie!!!! Grabe.. ang ganda ganda... Yung Stethoscope ang ganda, pareho kami ng Professor kong Doctor sa Lyceum, oha oha , sosyal ako eh.. haha..

Syempre, bininyagan ko agad... kinuha ko agad ang blood pressure ni Cori.. hehehe..

Grabe, para tuloy gusto kong magtayo ng lamesa sa labas ng compound namin at maglagay ng sign, "Libreng BP!!!" magamit ko lang ng magamit.. haha..


SALAMAT TITA VANGIE!!!
MWAH!!!


P.S.
"Sino gusto ng BP?"

Saturday, January 03, 2009

I am so excited!!!

Saturday, January 03, 2009



January 14(sa pinas) na ang start ng American Idol season 8, grabe, sobrang excited na ako...

Tanong namin ni Cori, sino kaya ang bagong A.I. finalist ang magi-invade ng aming mga cellphone.. dahil mapupuno ito ng mga video ng bawat performances niya,. hahaha



5 SIGNS na tapos na ang Pasko...

Well, for me, eto ang five signs na tapos na ang panahon ng pasko...



1. Maluwang na ule ang daanan sa Libertad!!!!

2. Tinatamad nang umalis ang mga tao dito sa bahay dahil nanghihinayang sa araw kasi, malapit na pasukan..

3. Tanggal na ang mga Christmas decor sa bahay...

4. Unti-unti nang nangangaunti ang laman ng aming ref...

5. Nararamdaman ko na ang simoy ng pasukan...


:(

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket