Saturday, February 28, 2009

Cellphone Dilemma? I don't think so..

Saturday, February 28, 2009
Nung una ko nakuha ang phone ko from Ate, after 1 week na paggamit nito, palaging may lumalabas na "messages: memory full, delete some data" and minsan mas worst pa, "not enough memory to receive/send messages".. woah!! memory full? dalawa lang laman ng inbox ko.. ang folders ko burado na lahat, pati templates, tinanggal ko na.. bakit ganun?.. Ang isa pa.. Hindi ako makapaglagay ng kanta, pictures, videos sa phone through USB. Hindi rin makatanggap ng items from bluetooth or Infrared... So talagang naiinis na ako!!! Hingi na akong tulong kay Ate..

Sabi ni ate, dalhin ko daw sa Nokia Center para ipaayos, pero ang sabi naman ni Cori, "Bat lalayo ka pa? andyan naman si Harvey?".. Oo nga noh.. nawala sa isip ko si harvey... so, punta agad ako sa kanya.. and nagbigay agad siya ng price, php200 daw... Go na!! compare mo sa Nokia Center, malamang mas mataas pa sa php200 ang bayad dun.

20 minutes lang ang pag-aantay ko.. at sinubukan niyang magpadala ng kanta via bluetooth!! and yuhoO!! Ayos na!!! Pero nabura lahat, contacts ko, pictures, songs, themes.. nawala lahat!!.. kaya nilagyan ko agad agad ng kanta, pictures and themes..

After 2 weeks, ganun na naman ang nangyari... Same old shit!!! mas naging worst pa.. hindi ko na ma-open ang ibang application sa phone ko!!! Balak ko, ibalik na naman kay harvey.. Pero naisip ko muna... Ano kaya ang cause bakit nag-gaganito? Naisip ko, baka sa themes, kasi nung isang gabi, super dami kong nilagay na themes(bakit ba, patay gutom ako sa themes eh)!!! Baka, ayaw ng maraming themes ang naka-install sa phone kaya nagloloko!!.. So sinubukan kong tanggalin ang mga themes na nilagay ko, at nagtira lang ako ng isa.. And HALLELUJAH!! naayos na siya!! And naturally, so far(naks, ma'am grace is that u?), maayos na ang phone ko.. So from now on.. Banned na ang themes sa phone ko!! hahaha..

Yun lang naman.. share ko lang, ang naging dilemma ko sa phone ko ngayon..

Basta, i love my phone.. :)


****

Addendum lang..

Nakakatuwa ang mga pumasok sa top 12 ngayong week.. Si Adam Lambert(Kahit laging sumisigaw!), yung girl na kumanta ng Alone, and si Kris Allen..

Pinaka-gusto ko si Kris Allen, nakakatuwa. Parang hindi mo magawang kainis yung mukha niya.. hehehe.. Ang ganda rin ng pagkakakanta niya sa "Man in the Mirror" by Michael Jackson.. Mas gusto ko siya kesa kay Danny Gokey.. :)

Here's the vid..







And also, ang ganda ng group performance nila..
Listen to Group 2's performance.
"Closer" by ne-yo







Nyt Pipz!!!

Wednesday, February 25, 2009

ehem ehem !

Wednesday, February 25, 2009


May tatalo pa ba sa kagandahang ipanapakita ng nag-iisa kong pamangkin? Oha oha.. hindi pa yan prepared ah..

and take note! sabi ng classmates ko, kamukha ko daw!! oh, sino kokontra? ang kumontra magakaka-pigsa sa axilla!!



Friday, February 20, 2009

Laughing Out Loud !!!

Friday, February 20, 2009




Hindi ko lang talaga mapigilang hindi matawa!! :)


Monday, February 16, 2009

Nice one Cori..

Monday, February 16, 2009
Click picture to enlarge!!
(Paki tignan nalang yung score.. Hindi namin expected yan.. hehe)



Oha oha!! Ang galing ng kapatid ko noh!! Siya kasi gumawa ng written report namin sa STS!!! Thanks Cori, you're the best..


P.S.

Cori, gawa mo ko ule ah.. Environmental degredation naman.. thanks.. :)




Sunday, February 15, 2009

New Idol, New Bet!!!!

Sunday, February 15, 2009

Go Danny Gokey!!!

Wuhoo!!!

I'm so excited!!!





Can't wait to watch this!!! :)




Saturday, February 14, 2009

Kawindang-windang!!!

Saturday, February 14, 2009
"MINSZAN KAHIT GANOUH CQOUH PFA CQAMAHAL ANG ISZANG TAO,CQAILANGAN CQONG BVITAWAN KAHIT GANOUH CQOUH PFA PFINAHALAGAHAN DI DAHIL DI CQOUH SXA MAHAL CQAYAH CQOUH SXA IIWAN WALANG MATIBVAY NA DAHILAN CQUNDI ANG CQATO2HANAN DI NYA CQOUH CQAIANGAN:("

-Help naman, paki translate naman ito oh.. Paki-comment nalang yung na-translate niyo..

-shoutout kasi ito sa friendster.. Nagtataka lang naman ako, imbis na paikliin ang bawat word, naging super haba ito. Kung anu-anong letter ang pinagsisisingit sa bawat word!!! MIGOSH!!! Kairita!! LOL!!!

-Hulaan nalang kung sino ito..

-Clue: Pinsan ko siya!!

-Isa pang clue: Fav movie niya ang high school musical!!

- Isa pa uling clue: Sa ikatlong bahay nakatira!! bwahahaha


P.S.

Ang mean mean namin Cori!!! hahahaha


~oOo~

Ay sus!! Gudnyt na nga!!!



Saturday, February 07, 2009

SUPERB!!!

Saturday, February 07, 2009


T-Shirt
Shontelle



If I were a Boy
Beyonce



Ang galing nila kumanta..

Madami pa silang kanta.. Search niyo nalang sa youtube. Just type "Rin on the Rox". :)

They're pinays.. :)



Tuesday, February 03, 2009

After 10 years??

Tuesday, February 03, 2009

May nameplate na kami!!!

HELLO!!! Dapat nung August pa yan noh!! hehe.. :)



 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket