Monday, March 30, 2009

Pimp-my-Blog

Monday, March 30, 2009
Salamat kay ate sa pag-aayos niya ng blog ko..

ngayon, mukha na siyang blog..

and may volleyball pa sa ilalim ng bawat post..

OHA-OHA!!!

Salamat ate.. :)


Now, I'm officially pimped..

Saturday, March 28, 2009

Earth Hour

Saturday, March 28, 2009


Ngayon ay 8:54pm and patay lahat ilaw namin dito sa bahay bilang suporta sa programang ito..

Sa pag-cooperate lang sa program na to, malaki na matutulong namin bilang concerned citizen.. :)


Ticket prices...

Eto na ang mga ticket prices sa concert ni Cook and Archey sa May 16..

Ready ka na ba?

Front row seats - P10,000 (Jesus, Mary and Joseph)
2nd row seats - P8,500
3rd row seats - P7,500
4th - P5,500
5th - P4,000

it goes on…

6th - P3,400
7th - P2,100
8th - P1,800
9th - P1,500
10th - P1,000



Anak ng.. ano yang mga upuan na yan? ginto?? ang mahal!!!

Sapakan nalang!!!

Start City Madness..

Kahapon, nagpunta kaming star city nila Cori and TJ.. Biglaan lang po ito.. walang planong nangyari.. Mayabang ang isang bata eh, kakasweldo lang.. hehe

And super enjoy ako..

Here are some pictures..


May ganito sa Ocean Park eh.. pero hindi namin sinubukan.. Pero kahapon, naisipan namin subukan!! Anak ng... sayang lang ang php50 kay cori, hindi niya kasi natapos yung 20 mins.. hehe, pano naman kasi, sobrang nakakakiliti yung mga isda.. haha.. Sabi nga namin, kung andito si ate, hindi tatagal yun.. Kasi sobrang malakas kiliti nun eh.. hehehe

I'm back..

After 2 days na walang internet..

I'm back!! wuhoo!! hehee

~0o0~




anyway, last Thursday, napanood ko ang American Idol season 8 top 10.. Musics of Mo-town ang theme nila.. And I love Adam Lambert's performance.. Buti naman, hindi siya sumigaw sa performance niyang yun.. hehe

Tuesday, March 24, 2009

Amazing...

Tuesday, March 24, 2009





P.S.
I saw this on my ate's facebook.. :)
this is for my tols,.
Tols, enjoy watching! hahah

OMG, OMG, OMG!!!






GOSH GOSH GOSH!! Pupunta si cook and archey dito sa manila!! gosh!! kailangan nang mag-ipon..

manonood talaga ako niyan! promise!!!

It is a must!!!

Sunday, March 22, 2009

HOLY SH*T..

Sunday, March 22, 2009

Hahahaha.. ako ba ito? ang taba taba ko!! hehe..

Grade 6 yata ako nito eh.. :P

Pinakita ni dadang(pinsan ko) sken, nakita raw niya habang naglilinis ng tindahan nila..

At bakit nasa tindahan? anu yan, pambugaw sa daga? hehe



P.E Time, and it is Volleyball time..





Team mates, kita-kits tom..

Go for the uno!! :P


Friday, March 20, 2009

Damn!! I just can't help it..

Friday, March 20, 2009
MAAYOS ang Pamilya ko. Mabait ang nanay at tatay ko.. At DISENTE ang mga kapatid ko. Kung meron ditong taong walang modo, at parang walang pinag-aralan dahil sa kababawan mag-isip, KAYO YUN!!

Ayoko manumbat, pero kung HINDI NIYO ALAM, MAGANDA ang pakikitungo namin sa anak niyo, HINDI NAMIN SIYA BINASTOS, HINDI KAMI NAGBITIW NG MASASAKIT NA SALITA SA KANYA, AT LALONG HINDING-HINDI NAMIN SIYA PINAKITAAN NG MASAMA KAGAYA NG GINAGAWA NIYO SA KAPATID KO! Wala siyang ginawang masama para pag-isipan niyo siya ng ganyan at para bastusin siya ng ganito.

Kung meron dito na dapat punahin ang mga pinaggagawa, walang iba kundi KAYO YUN, sino ba naman ang MATINONG PAMILYA na magpapalayas ng anak dahil lamang sa napakababaw na dahilan. Parang hindi nag-aral at hindi nag-iisip sa mga pinaggagawa eh. SO SHALLOW!!!

Eto lang ang masasabi ko SA INYO, WAG NIYONG ANTAYIN NA "AKO" AT ANG "ATE" KO ANG KUMAUSAP SA INYO, BAKA BIGLANG KAYONG MAGSISI DAHIL GINAWA NIYO PA ANG MGA PINAGGAGAWA NIYO WALANG KAKWENTA-KWENTA.. Maswerte kayo, at TATAY ko lang ang nakausap niyo, KUNG SI MOMMY, AKO AT ANG ATE KO ang kumausap sa inyo baka nagkaron na ng world war dito..

BAGO KAYO MAG-JUDGE, TIGNAN NIYO MUNA ANG MGA SARILI NIYO, KASI BAKA SARILI NIYO NA PALA ANG HINUHUSGAHAN NIYO.

Tama na ito.. malaki respeto ko sa anak niyo at ayoko nang magsalita pa, kasi baka pati siya ay mabastos ko kagaya ng pambabastos na ginagawa niyo sa kapatid ko...


P.S.

Sensya na, hindi ko mapigilang hindi mag-blog.. at ilabas ang saloobin ko.. Hindi ko kasi kayang magpigil kapag pamilya na ang usapan.. KAPATID ko pa ang inaway niyo!!!!


Para sa kapatid ko..
---andito lang ako for you, and karamay mo all the way.. Wag kang bibitiw, and keep on fighting, sa huli, mare-realize din nila na sobrang mali at nakakahiya mga pinaggagawa nila. Aryt? hehe

At para sa kapatid kong nasa Malayo
---pasalamat sila wala ka dito kundi baka sabihan mo sila ng "I WANNA TALK TO YOUR MANAGER" hehe...





---BTW, FYI, Hindi pinag-bawal ni Pangulong Arroyo ang maging open-minded...

---WHY NOT? KUYOGS KUNG KUYOGS... Kayong mga nang-aaway samin, gusto niyo makilala ang KUYOGS? ha? ha?

---FYI Ulit, sa amin ang babae, dapat kami ang mag-imbistiga sa anak niyong lalake!




---Promise, mag-review na ako for our tomorrow's exam.. hehe






Last Song Syndrome..







I love this song..

If This Isn't Love by Jennifer Hudson



Thursday, March 19, 2009

A.I. Addict..

Thursday, March 19, 2009

I love A.I..

And ang galing galing ni Matt Giraud..

Gusto ko din ang performances ni Danny Gokey, Kris Allen, and Anoop Desai..


BTW,

Ni-download na namin mga studio versions nila.. And, talagang the best ang boses ni Matt Giraud.. :P

Friday, March 13, 2009

Here we go Again...

Friday, March 13, 2009



Nag-uumpisa na naman po kami mag-download ng studio versions ng mga AI finalist...

I'm lovin' it and I miss this.. :)


Thursday, March 12, 2009

Ayos ah.. :)

Thursday, March 12, 2009
Tuwing gabi, hinahanda ni Ate Weng ang table para samen, para Ready to Eat na.. Napansin ko lang, bakit laging maliit(parang 250ml lang ang kayang ilagay dito) na baso ang napupunta saken? anu ba to? nagkakataon lang, or may rationale sa likod nito.

Eh hindi pwede sa akin ang maliit na baso kasi malakas ako sa tubig, so, refill ako ng refill.. Bukod sa pagiging malakas ko sa pag-inom ng tubig tuwing kakain, meron din makulit na batang nakiki-inom sa baso ko, ewan ko ba kung bakit hindi niya lagyan ang sarili niyang baso..

Well, anyway, naisip kong tanungin si ate weng, kung bakit laging napupunta ang maliit na baso sakin. Ang sagot niya, "Eh kasi diba, bunso ka? kaya yan ang sayo, ang pinakamaliit na baso".. Wow, ganda ng point niya.. Bunso nga ako, pero hello, pinakamalaki samin... hehe..

So, kinabukasan, pagkauwe ko from school, nakita ko agad ang lamesa, nakahanda na ule lahat.. At bumulaga sa akin ang aking bagong baso..

Eto oh..

Oh dba, simpleng pang-asar from ate weng.. hehehe


Eto yung baso ko dati.. Nakita niyo naman kung gano kalaki.. hehe, sa tangkad kong to, ganyan katangkad na baso ang ibibigay sa akin.. Eh para lang kay ROSEL ang ganyang kalaking baso eh.. hehehe


Pero, sa brighter side, nakakatuwa gamitin yung basong yun, kasi hindi ako refill ng refill, and parang hindi to nauubusan..


Yun lang..

Ang babaw noh?? hehehe..

Bakit ba? Natuwa ako eh..

BTW, Good night na.. Maaga pa bukas..

Hello Putho.... Again!!

Monday, March 09, 2009

Back to reality..

Monday, March 09, 2009
Uhm it's 6 o'clock in the evening,

And it means, my long weekend is almost over..

I'll be saying hello to hell again.

Well, no biggie, malapit na mag-bakasyon..

two weeks of kalbaryo nalang and bakasyon na..

Shiyet, nakalimutan ko. May summer class pala kami ngayon.

After ng last day ng finals sa March 25,

sa 26th of March, enrollment na namin for our summer classes.

And sa March 31, start na ng summer classes namin..

Gosh ah, we only have 4 days of rest.. Parang nagkaron lang ng bagyo and nawalan ng pasok for 4 days.

How suck is that?

Anyway..

ang gusto ko lang naman sabihin ay nakakatamad pumasok.. Amen?


Amen!!


Wednesday, March 04, 2009

Darn it.. I Hate Sipon!

Wednesday, March 04, 2009

Sensya na po, medyo walang manners..

Pero bat ba, gusto ko lang ipakita, blog ko naman to eh.. hehe :)

Salamat Arnie sa paghawa ng sipon. :)

Shiyet! patay na naman ako sa mga subjects na pagkahaba-haba, antok na naman ako to the max!



Sunday, March 01, 2009

2 thumbs up ...

Sunday, March 01, 2009
Kakauwi lang namin from Waltermart.

We watched "You changed my life".

and same reaction nung napanood ko yung "a very special love"

ANG GANDA!! NAKAKATUWA!!!!

Yung mga hindi pa nakakapanood.. Wag niyong hayaang hindi ito mapanood..

Sige ka, lahat pinagkekwentuhan yung movie, then ikaw O.P.(out of place)

Ayun lang..

Just wanna show my appreciation to the movie.. :)



---power hug!! and power kiss!!


 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket