Sunday, June 29, 2008
Tuesday, June 24, 2008
tsk tsk tsk...
Monday, June 23, 2008
No Classes and Deal or No Deal Around the World
Wala ule pasok bukas kase Manila day..
Pero, patay kami, ang tagal namin hindi nag-lesson sa RLE(Health Care)...
Baka magmake-up class kami, at baka abutin na naman kame ng dilim sa LPU!!
GOSH!!
Nakakatuwa panoorin lahat except kay Kris. Ang arte tlaga eh(well, sorry for the word)..
***


Thursday, June 19, 2008
Nokia E62
Ngayon, pinahiram sa akin ni Cori ito, at isang linggo na sa akin. Malapit na ang deadline.
Ang masasabi ko lang.. "One more week.!!"
hahaha
Monday, June 16, 2008
Saturday, June 14, 2008
Mommy sip-on...
Tinignan na ng doktor na madaldal, exaj pa mag-react. Ginawa niya, pinasukan niya ng bulak na may gamot ang dalawang butas ng ilong ko for 4 minutes.
Ang nangyari, sinipon ako.
Ayos!!!
Pamangkin ko yan!!!
Lahat ata ng makita nitong bagay, sinasabi ang color eh. heheh
Eto ang the best. Favorite part ko ang ZEBWA(zebra) at ang EK-RAY(x-ray)
Friday, June 13, 2008
Kanino mas maganda?
David Cook, sings National Anthem On NBA Finals
Archuleta sings the National Anthem on NBA.
Who's better?
Thursday, June 12, 2008
June 16, Monday - Umpisa na!
balik eskwela na naman ako..
nakakalungkot...
6 days a week akong nasa school...
makikita ko na naman ang dean namin adik sa Unit Test,
na sana ngayong 2nd year, wala na kaming unit test.
At ngayong Monday, buena mano, major subject ang sasalubong sa akin.
Good Luck nalang sa'kin at sa'king mga classmates...
Halata bang hindi ako excited?
Wednesday, June 11, 2008
David Archuleta Thanks His Fans
David Archuleta saying "Thank You" to his fans... And I said.. "You're Welcome"
Tuesday, June 10, 2008
Nakaka-miss naman!!!
Nakaka-miss ang bebe namin...
Monday, June 09, 2008
Time of my Life - Acoustic
Time of my life, acoustic version by David Cook.
It's beautiful.
Bubble Gang - Ang Spoiled
Sikat din ang iba nilang words na ginagamit dito. Like "yaya, you're such a loser" at "whatever yaya"
Si Micahel V. ang yaya at si Ogie Alcasid ang spoiled brat na si Angelina.
Isang Araw, habang naglalaro kami ng volleyball, si Shamaye(inaanak ko) nakadungaw sa bintana at tawag ng tawag sa akin. Paglingon ko sa kanya sabi ba naman "Ninong tange, you're such a loser".
Hanep...
Sunday, June 08, 2008
For the 3rd time....
Nakakainis.
May discount nalang daw ako sabi ni Dra. Gladys.
So, php250 nalang babayaran ko imbis na php500
May sumpa ang pritong baboy.
Tuwing kakain ako nito,
natatanggalan ako ng bracket...
One Step A Time Music Video
I love the song, and I'm beginning to like her... even though she's huge..
Friday, June 06, 2008
Betty bumps into the wall
This is my favorite and this is the funniest part sa Ugly Betty. The Best talaga to.
Thursday, June 05, 2008
4th Year - Class Prophecy - AP Project
Here it Goes
20 years from now….. Ako si Tange.. isang free lance Interior Designer. Dati akong nagtatrabaho kay Margaret. Pero ngayon, kakompetensya ko na siya.. Si Margaret ay dati kong boss, asawa niya si Jimboy. (‘yung ex ni mahal!) Habang naglalakad ako sa gitna ng Makati papunta sa aking cliente, lahat ng kaklase ko nung high school ay nakita ko…
Sa paglalakad ko, unang-una kong nakita c Erica.. para syang rumarampa sa Makati (frustrated model yata)…. Nilapitan ko sya… nagkamustahan kami.. Isa na pala siyang ina na may pitong anak.. pero hanep pa din ang kanyang alindog… Inaantay nya pala ang kanyang kabit na si Enteng…. Kaklase din namin dati… Si Enteng na taga bantay ng Computer Shop.. na madalas puntahan ni Echo at Ian.. sikat na sila ngayon.. Sila na ang pumalit kay Andrew E. at Francis M.
Nagpaalam na ako kay Erica at tinuloy ko ang aking paglalakad… sa aking pagmamadali, hindi sinasadyang mabangga ko si John Kelvin…. Hingal na hingal siya… tumatakbo sya papalayo sa akin… hinahabol siya ng pulis.. Basta sumisigaw ang mga taong nakapaligid sa amin ng “Snatcher!!!! Snatcher!!!” Hindi ko na alam kung ano nangyari… Hindi ko na sila pinansin….
Tinuloy ko ang aking paglalakad…. Late na ko sa appointment ko… nang may kumalabit sa aking taong-grasa… tinitigan ko ng maigi… pamilyar… kaklase ko pala sya dati… c Tetay.. napasigaw ako! Nanlumo ako sa aking nakita… wala na siya sa normal na pag-iisip… hindi na niya ko kilala. Naglakad ako palayo ng nakatingin sa kanya…. At biglang may sumampal sa mukha ko….PLAK!!! Ang sakit…. Long hair… tapos may hawak na plastik, punong-puno ng rugby… suminghot ule ang lalaki at sabay sampal nya uli sa akin…PLAKKK! Galit na galit ako pero hinayaan ko na siya… mahuhuli na kasi ako sa pupuntahan ko…
Tanaw ko na ang building kung saan ako papunta… at may nakita akong mga taong nagkukumpulan, at nakatingin sa taas ng building… may mga pulis… at ambulansya… maraming usisero… at may sumigaw ng “may tatalon sa building!!!”… Babae raw…. At iniwan daw ng asawa…. Sumisigaw pa ng “Superrrrr K!!!” Sa kabutihang palad, nailigtas siya ng mga rescuers. At nagbubulungan ang mga tao na ang babaeng nagbalak magpatiwakal ay si Kriza “the bomb”… isang dating sikat na bold star. Napaisip ako…. Kaklase ko sya dati!
Sa hindi kalayuang lugar, sa gitna ng Paseo, nakita ko halos lahat ng kaklase ko… Reunion ba ito? Tanong ko sa aking sarili… Nakita ko si Julius… all-black suot niya.. mukhang rakista.. kulang na lang skateboard.. katabi nya si Ravil, may hawak na plakard.. at si Khenvel na nagsusulat sa tela ng “HUNGER STRIKE!!! Hindi ko maintindihan kung ano nangyayari.. nakita ko din si Kristoffer, nagtitinda ng samalamig.. at biglang may tumapik sa akin at sinabi na “Salamat kaibigan at sumama ka!” si Francis pala iyon… Lider ng Akbayan. Si Yvette, Paula, Seneca at Nina…. Nasa itaas sila ng stage… sumisigaw… galit na galit sila… hindi ko mapigilang huminto at makinig sa kanilang mga sinasabi. Maya maya pa’t naghiyawan ang mga tao… May umakyat sa stage… seksi at maganda… mukhang kakanta…. Si Alyssa… hindi ko akalain na sa tagal ng panahon, ang mahinhing si Alyssa ay magiging isang entertainer… Napag-isip isip ko………. Isa pala ‘tong rally! Kaya ako’y nagmadaling tumakbo… at nakarating din sa aking paroroonan.
Nandito na ako, papasok sa building ng harangin ako ng gwardiya… “Sir, Iwan lang po kayo ng ID” kaboses niya si Alex… kaklase ko dati… biglang sabi… “Tange? Ikaw ba yan?” Natuwa ako ng makita kong marangal ang trabaho ni Alex. Sa pagsakay ko ng elevator, naramdaman ko ang pagkirot ng aking mukha… naalala ko ‘yung taong sumampal sa kin kanina.. kilala ko siya…. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita…… sa pagbukas ng pinto ng elevator, bigla kong naalala…….. si Adrian!!!! Tama, hindi ako nagkakamali……… si Adrian ang nanampal sa akin…. Na rugby boy na ngayon!
Sa wakas, nakarating din ako sa opisinang napakalamig… presko…. at komportable…. Nagtanong ako sa receptionist kung saan ang CR. Sa pagpasok ng CR, may bumati sa akin na naglilinis ng CR.. “Good Morning Sir!” ang sabi ko…. “Maric? Tama! Maric… Kamusta ka na????” sabay sabi niya… Ha? Ahhh.. ehhh… hindi kita kilala! sabay labas ng CR.
Bumalik na ako sa waiting area at tinawag ako ng receptionist at sinabing bukas pa daw ‘yung meeting. Asar na asar akong bumaba ng building na iyon… Napakamot sa aking ulo… sa aking pag-iisip… naisip kong kumain muna. Naghanap ako ng makakainan. Ayun! Sabi ko…. Madaming Jolly Jeep… mura na, masarap pa! Dalian akong pumunta doon. Manang, isa ngang gulay at isang kanin… padagdag ha…! Biglang sabi ng tindera… Tange??? Napadpad ka ng Makati… si Thea pala iyon.. Mataba na siya at amoy ulam. Nandoon din si Leo Mar, taga paypay ng ihaw-ihaw… Matagal na pala silang kasal. Sa wakas busog na ko… nagpaalam na ko sa kanila.
Naglakad na ako papunta sa terminal ng jeep…. Maingay… lalo na ang mga barker! Maraming tindero’t tindera. Gusto ko ng candy. Naghanap ako ng mabibilhan. Laking tuwa ko ng nakita ko si Cedric.. takatak boys na pala siya.. Natuwa naman siya at nilibre na niya ako ng candy. Tinuro nya din sa akin ang puwesto nila Nielsen, Halbert, Dean, at Peter….. Shoe shine, Repair, Key duplicate, taga-gawa ng nasirang payong at kung ano ano pa ang kanilang pinagkaka abalahan… Hindi na ako lumapit… gusto ko ng umuwi, sabi ko sa sarili ko….
Paglingon ko sa kanan, nakita ko si Jerome. Nakasabit sa jeep at nagtatawag ng pasahero. Naririnig ko ang tawag sa kanya ng mga kasama niyang barker ay “BOY PISO!” Hindi ko alam kung bakit Boy Piso na ang pangalan niya pero naalala ko na mahilig siyang manghingi ng piso sa skul. Sumakay na ako ng jeep.. nang magbabayad na ako, hindi tinanggap ng driver ang barya ko.. si Kevin pala ang driver. Nagpasalamat ako at nakalibre ako ng pamasahe.
Ang traffic… nakita kong nakasakay sa revo sina Jessil, Sheena Lyn, Leinard, Rafael, Julius, at Paul…. Nainggit ako…. Magkakasama pa den sila… nang mapalapit ako sa nasabing sasakyan, nabasa ko……. Optical Media Board… nahuli pala silang nagtitinda ng Pirated DVD’s.
Humarurot na ang jeep na sinasakyan ko… Pagbaba ko sa kanto… may nagkukumpulan… at usap usapang may kumakain daw ng bubog doon. Tumakbo ako sa kagustuhan makita ang taong kumakain ng bubog…. Nagulantang ako! Hindi lang pala isang tao ang kumakain ng bubog… kundi, tatlo sila…. At kilala ko pa.. Si Giselle, Jelina at Ivan… mukhang sanay na sanay na sila sa kanilang trabaho... Sa paglapit ko, nakita nila ako at bigla silang lumapit sa kin… sabay buga ng bubog sa aking mukha… hindi ko alam ang gagawin ko… napasigaw na lang ako!!! AHHHHHHHHH!!!!!! Ang sabi ko…
Biglang nagising ako ng basa ang aking kama…naihi ako sa sobrang takot…. Hindi pala totoo lahat iyon… Masamang panaginip lang pala!!! Doon ko naisip na, ang panaginip ay kabaligtaran ng lahat…. Sa pagkaka alam ko, ang lahat ng aking mga kaklase ay mabubuti na ang buhay at may sari-sarili ng pamilya. Si Seneca, Julius, Margaret, Kevin, at Kristoffer ay mga tanyag na Engineers na. Si Cedric, Khenvel at Nina ay pawang mga nurses na sa ibang bansa. Si Enteng, Francis, Yvette at Rafael ay mga stockholders na sa isang Information Technology Company. Si Thea naman ay isa ng sikat na volleyball player. Naging MVP siya sa FIVB – Womens Volleyball League. Si Jerome at si Jessil ay may restaurants na sa Greenbelt, at balita kong panay sikat na artista ang kumakain doon. Si Ivan, Giselle, at si Paul naman ay nasa Medical fields na at balitang paalis ng bansa para sa isang conference sa Paris. Si Tetay naman ay isang Certified Public Accountant, may sariling Accounting Firm at isa na ding tanyag na Modelo. (mala Tyra Banks of the Philippines!) Si Maric naman ay madaming bansa na ang napuntahan. Isa na siyang stewardess. Si Paula, John Kelvin, Ravil ay mga businessman at businesswoman na. Isa ng tanyag na modelo sa France sina Kriza at Erica. Si Adrian naman ay naka-base na sa London, at isa ng magaling na broadway actor. Si Echo at Nielsen ay mga sikat na vocalist na ng banda, drummer naman si Dean, at base guitar si Peter. Si Ian at Halbert naman ay mga nirerespetong Piloto na ng Philippine Airlines. Isa namang primyadong Fashion Magazine Editor ng Cosmopolitan at Vogue si Sheena Lyn at ang kanyang cover girl ay si Alyssa at si Jelina ang photographer. Si Leinard ay nagtagumpay sa Amerika bilang isang Cartoonist sa Dreamworks. Si Leo Mar ay isa sa naging Presidential Adviser ng pangulo at isang abogado.
At sa aking mga guro naman… si Ms. Torres ay palagiang nakikita sa TV dahil na-appoint siya bilang Senate President ng bansa. Si Ms. Torrefiel naman ay isang primyadong manunulat at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas at nahirang na DepEd Secretary. Si Ms. Perez naman ang tinaguriang “the Living Legend” pagdating sa Math, isa siya sa mga hinahangaang guro sa Pilipinas.
At siyempre, si Tange…. (Ako ‘yun!) Isa ng sikat na Interior Designer sa New York. Ilan sa mga naging cliente ko ay sila, Sandra Bullock, George Clooney, Oprah, David Archuleta at marami pang iba…..
-THE END-
Reminiscing : Elementary Graduation
Nakita ko yung mga naging teacher ko. Yung mga nakakatawang teacher, yung mga nakakatakot. Yung isa kong music teacher nung Elem. na wala naman sa tono pag kumanta(kung ganito lahat ng music teacher, pwede na ako mag-apply ng music teacher, sa boses kong napakaganda? hahaha). Na-miss ko din yung mga teacher ko na favorite ko at siguro favorite din ako.
Then, hinanap ko na ang mukha ko sa mga graduates. At eto ako. May nakalagay sa baba, konting description 'bout sa akin.

This chinky eyes guy loves to play scrabble"

Ask the name behind the decoration of the room and it's A.D."

Ang tagal ng Yearbook namin nung High School. Isang taon na yun.
Tuesday, June 03, 2008
Bum's Birthday Celebration...










Yung ibang pics nasa friendster ko na... Dun nalang tignan lahat. :)
Anyway, Happy Birthday din sa ate ko.. :) Birthday niya ngaun, June Thlee(3)