Sunday, October 26, 2008

Cute...

Sunday, October 26, 2008
You'll Be In My Heart - Usher







>>Cute version ng You'll be in my heart by Usher, originated by Phil Collins. :)

>>Hindi ko lang alam kung matagal na to or ewan. hehehe



Kahapon....

GRADE SHEET

Nakuha ko na ang grades ko.. Okay naman.. Walang bagsak(Thank you Lord)

Health Ethics - 2.75
Health Statistics - 2.50
Health Care 1(RLE) - 2.00
IT - 2.00
Speech - 1.75
Asian Civilization - 2.00
P.E.(Badminton) - 2.00


>>>2.00 ako sa PE??? Loko yung prof ko dito ah!!! Pero, ayoko talaga ng badminton eh.. Kaya wala akong kagana-gana.. :) Next sem, team sports, volleyball, here I come!!!

GPA - 2.13


~oOo~

Enchanted Kingdom MADNESS!!!

Well, naganap na ang matagal-tagal ko nang plano, ang magpuntang Enchanted Kingdom with my friends. Masaya din, kahit umulan, kahit madaming tao, kahit may times na sobrang naiinis ako... Hindi nasakyan lahat kasi mahaba ang mga pila. Isang ride 1 hour ang pipilahin mo. Nakarating kami ng 12:30nn at umuwi kami ng 8:00pm. Baka kasi gabihin kami sa daan eh.. Anyway, kung balak mo din pumuntang Enchanted Kingdom, make sure na:

1. Madami kang pera, kasi mahal ang bilihin sa loob ng park.
2. May kotse kang dala, kasi kung malayo ang bahay niyo, mahihirapan kaung mag-biyahe pauwi.
3. May dala kang extra shirt and short pamalit, kasi mababasa ka sa loob ng park. At meron ka din dapat dalang cologne and powder kasi mangangamoy pawis ka.
4. May dala ka din ng payong, in-case na umulan at pangontra sa araw.
5. May dala ka din dapat digicam to capture every single moment.
6. Full charge ang katawan mo, hindi yung kagabi nagpuyat ka, at pagdating sa loob ng park, aantok-antok ka!!! Magiinis sayo ang mga kasama mo!
7. Ang kasama mo dapat ay hindi KJ(Kill Joy)!!! Hindi yung may mood swings/tantrums!!! Yung ngayon masaya siya, after ilang minutes lang maiinis na at dalawang rides pa lang, ayaw na agad sumakay ng iba pang mga rides. ka-Badtrip yang ganyan!
8. Ang kasama mo dapat ay hindi gutumin/mabilis magutom, kasi ang mga taong gutomin ay mabilis mag-init ang ulo!!! Sira agad ang araw mo! (Para sa mga taong gutumin, at nag-iinit ang ulo agad kapag nagugutom, wag kayong pumunta sa Enchanted Kingdom para mag-ride-all-you-can, kundi pumunta kayo sa isang restuarant at dun kayo mag- "Eat-all-you-can!!! HAYUUUP!!!!!)
9. Ang kasama mo dapat ay hindi reklamador/reklamadora.
10. Magdala ka ng isang malaking "smile", na gagamitin mo habang nasa loob ka ng park. :D

>>>sa mga may balak pumunta sa E.K., make sure, meron kayo nitong mnga to.. Believe me, lalo na yung number 6-9, kasi sisirain lang ang buong araw mo....


Pero, all in all, masaya naman ang Enchanted Expererience, :D


VIDEOS:


Flying Fiesta



Jungle Log Jam
(me, rosel and kuya ni rosel)


Fireworks
(Actually may fireworks comeptition kagabi, pero dahil medyo gabi na, umuwi na kami.. Dalawa lang ang napanuod namin.:D.)



Have a nice day. :D

Thursday, October 23, 2008

Is this true?

Thursday, October 23, 2008





Wednesday, October 22, 2008

Stand up to Cancer!!!

Wednesday, October 22, 2008

Just Stand Up
Performed by: Mariah Carey, Mary J. Blige, Beyonce Knowles, Ashanti, Keyshia Cole, Ciara, Miley Cyrus, Fergie, Rihanna, Leona Lewis, Natasha Bedingfield, Nicole Scherzinger and Carrie Underwood

Stand Up To Cancer (SU2C) is a charitable program of the Entertainment Industry Foundation (EIF) established by media, entertainment and philanthropic leaders who have been affected by cancer. SU2C aims to raise significant funds for translational cancer research through online and televised efforts. Central to the program is a telethon that was televised by three major broadcast networks (ABC, NBC, CBS) in over 170 countries on September 5, 2008. SU2C made over $100 million after that evenings broadcast.

The SU2C leadership team includes news anchor Katie Couric; the Entertainment Industry Foundation, represented by Board of Directors Chairperson Sherry Lansing and CEO Lisa Paulsen; Laura Ziskin; the Noreen Fraser Foundation and its executives Noreen Fraser, Woody Fraser, Rusty Robertson and Sue Schwartz; and nonprofit executive Ellen Ziffren.

source:wikipedia.com



>>>Iba na talaga level nito ni Miley Cyrus, lume-level na sa mga sikat, it means, sikat na din sya,, hehe

>>At aba, muling nabuhay si Ciara at Ashanti.. :)

>>talagang sikat si Carrie Underwood, natabunan na si Kelly Clarkson..


Tuesday, October 21, 2008

MALAPIT NA....

Tuesday, October 21, 2008
......birthday ni Cori, anong plano natin kapatid? <:-P

......ang kuhaan ng grade sheets.. Shocks... [-O< :-SS

......na agad ang pasukan. November 6 na . It sucks. L-)

......na ang 2nd sem, after 2nd sem, capping/pinning na, all white na kami, woohoo!!! tagal kong inabangan yun!!! :D/

......ang decemeber, pasko na!!! woohoo!!! ma-pera na naman ako. hehe.. :D/

......dumating yung cellphone ko from ate.. dito ako pinaka-excited. hehe :D/



>>wala lang..:D

>>good morning.. :)



Sunday, October 19, 2008

Archey's new songs and our new ming-ming(maybe)

Sunday, October 19, 2008
Eto ang ilang kanta sa self-titled album ni Archuleta na lalabas na sa 11/11.. Bibili ako ng cd niya (kung may pera ako,kung wala, limewire nalang.. hehehe)

try mo pakinggan..(preview lang naman yung tatlong songs eh.. hindi aabot ng 2mins)


Touch my Hands


My Hands




A little too not over you





Ang kanta ni Archuleta na "crush", number one sa isang radio station, at sabi ni manong Dj, eto daw ang pinakamatagal na naging number 1 ngayong 2008, oha oha!!!!


>>hanggang ngayon, archey fanatic pa din ako. hehehe


~oOo~

Meet our new Ming-Mings

Last 2 or 3 years ata, bago pa dumating sa buhay namin ang pinakamamahal naming si kekek, nagkaroon kami ng alagang pusa, he's name is ming-ming.. Isang magaling na pusa, magaling manghuli ng daga, at takot sa kanya ang mga aso namin. haha, pero sa kasamaang palad, naglayas siya... sadyang ganun daw talaga mga lalaking pusa, umaalis daw talaga pag alam nilang kaya na nila maging independent... hehe, after niya umalis, hindi na namin siya ulet nakita... .sob.

Pero last 3 weeks ata, may dumating bago sa amin, he is ming-ming, jr.

Si daddy ang unang nakakita sa pusang ito, at meow daw ng meow sa kanya, naawa siya kaya binigyan niya ng pagkain. After nun, hindi na umalis sa amin.. Nakahanap na siya ng amo.. Well, anong say ni kekek? ayun, nung una, galit na galit, kahol ng kahol dun sa pusa, pero after ilang days, hnd na niya inaaway, inaamoy amoy nalang niya, ano bang magagawa niya, eh hindi naman siya makalabas para awayin, besides, ang liit liit niya para mang-away. Wag siyang tatapang-tapang baka kalmutin siya nun. hehehe

Kanina lang, nung papakainin ko na si ming-ming jr. May nag-meow meow akin na pusa, babae naman siya.. Yun pala friend/girlpren ni ming-ming jr.. Anak ng, nag-recruit pa ng iba... hayyyy, medyo makapal ang kanyang mukha.. hehehe


sa left, si ming-ming(girl) at sa right si ming-ming, jr.
(sa taas nilalagay ang pagkain nila para hindi maagaw ng asong walang breeding)


~oOo~

Goodnight...


Friday, October 17, 2008

E.K. madness.....

Friday, October 17, 2008
EKstreme Sembreak Blowout

Promo period: October 16 to November 16, 2008

Sembreak


Mechanics:
  1. The EKstreme Sembreak Blowout Promo is for all students whether from private or public schools with a valid SY 2008-09 school ID.
  2. For students with school IDs that do not require a yearly validation, they should present their original Registration Form together with their school ID to avail of the promo.
  3. Each Regular Day Pass comes with a Pepsi in can and a discount coupon from Triassic Tag, Xtreme Paintball, Exodus the ATV Ride and Kart Trak.
  4. The promo applies to Good-Same-Day tickets and is available only at the Group Sales Office at the Front Gate.
  5. A maximum of two tickets may be purchased per school ID presented per day.
  6. This offer may not be availed of in conjunction with any other existing promo or discount offer of Enchanted Kingdom.
  7. Promo period is from October 16 to November 16, 2008 only.

Per DTI-Laguna Permit No. S-09-266 series of 2008


www.enchantedkingdom.com.ph


Last last year pa akong nagke-crave pumunta sa Enchanted Kingdom dahil hindi ko na maalala ang huli kong punta dito, buntis pa ata si ate kay sophia nung huling punta ko dito eh. Pero ngayong may promo na EK para sa mga estudyante, GO kami dyan!!! The tickets worth php275 for weekdays and php335 for weekends.. Oh diba, ang laki ng nabawas. from php400 to php300.. Kaya kami ng mga LPU friends ko, nagbabalak na kaming pumunta dito next week, since sembreak na namin sa Tuesday, and parang ito na rin ang magiging birthday celebration dalawa kong kaibigan.

Nung una, star city lang ang balak namin, pero nung narining ko ang promo na 'to sa radio, sinabi ko agad sa kanila, at payag agad sila.. Balak namin, take the shuttle from glorietta to EK, pero ang tanong balikan na ba yung php200 na babayaran namin? hhmmm...

Pero kung balikan man yung php200 na yun, EK, here we come!!!! woohoo!!!


Thursday, October 16, 2008

Strictly, No Smoking!!!

Thursday, October 16, 2008

Na-experience mo na bang sumakay sa isang jeep na may kasakay kang naninigarilyo? Well, ako ma-swerte ako sa ganyan, madalas akong may makasakay sa jeep na adik sa sigarilyo. Halos everyday na sasakay ako ng M. Dela Cruz na jeep, ay meron akong katabi or katapat na mukhang tambucho ng jeep ang bibig. Ewan ko ba kung bakit habulin ako ng mga ganito. Sobrang naiirita ako sa pagmumukha nung taong naninigarilyo sa isang pampublikong sasakyan, hindi man lang mahiya na may mga taong asthmatic na kagaya kong hate na hate ang usok na galing sa yosi nila. Kaya 'pag may nahuhuli ng pulis na mga taong nagyoyosi habang nakasakay ng jeep, grabe nalang ang tuwa ko. Oha-oha, yosi ka pa ah!!! Huli ka ngayon.

Eto ang tatlo sa napakadaming beses na na-experience ko habang nakasakay sa jeep..

Una:
Papunta kami ni Cori ng Harrison plaza para tumingin ng cellphone. Habang nasa jeep, may sumakay na isang manong at isang babaeng dalawa lang ata ang ngipin. Si manong feel na feel pa niya ang yosi niya. Hanggang ang sinasakyan naming jeep ay huminto ng di oras, at sa likod namin ay isang kotse ng pulis. Natakot si manong yosi kaya agad niyang pinatay ang hithit niyang sigarilyo sabay tapon sa kalsada, pero it's too late na, nasa mood manghuli si manong pulis nung araw na yun, kaya ayun, wapak! Hinuli siya. Kaya kami ni Cori, haaayy, ang bilis nga naman dumating ng karma(nag-fedex ata. hehe)..

Pangalawa:
Isang gabi, nakakarinig ako ng isang girl na may kausap sa phone, boypren niya yung kausap niya, at sobrang worried etong si girl, eh kasi naman nahuli daw si boypren ng pulis na naninigarilyo habang nakasakay ng jeep sa Makati, eh helloooo, bawal na kaya manigarilyo sa Makati ngayon, kaya ayun!!! Hinuli si boypren. Eh ang tatay ni girlfriend isang pulis, to the rescue si daddy, kinausap yung pulis na nanghuli, pinapakiusapan ata. Hindi ko na alam kung anong nangyari, kung pinalaya ba or pinag-multa. Pero kung ako ang tatanungin, dapat dun, pagmultahin ng php20,000 noh!!! Para mamulubi at hindi na ulet makabili ng sigarilyo. hehe...

At pangatlo:
Eto kagabi lang nangyari, may mag-syotang sumakay ng jeep, mukhang japayuki yung babae, at yung guy mukhang high school drop-out. Around 20-25 ang age nila. Umakyat sila sa jeep ng walang hawak na yosi, at pag-upo nilang dalawa, aba, dun sinindihan ang sigarliyo, at sa mukha ko pa binuga ang usok. Deadma nalang ako kunwari, may alam kasi akong effective way para makahalata at makaramdam ang makakapal na mukha like them. Ganito lang ginawa ko, konting simangot sa mukha ko, dukot sa bulsa ng panyo, at nag-ubo-ubohan sa harap nila. Yung tipong may lalabas nang dugo sa ubo mo.. At ayun, wala pang 2 minutes ng pag-acting, tinapon ang sigarilyo. Oh diba, effective talaga.. Try niyo minsan. Yun nga lang, after ko umarte, pinagbubulungan ata ako nung mag-syota. SUS!!! paki ko, atleast ako nanalo!!! Woohoo!!! hahahaha


Well, pasensya na kung ikaw man ay isang yosi addict, pero make sure, kung yosi addict ka, dapat alam mo ang proper way ng paninigarilyo, hindi yung hithit-buga ka lang naman, masabi lang na sosyal and in ka sa uso dahil nag-yoyosi ka!!! Hellooo,, baka hindi sosyal ang makita sayo ng mga tao kung di pagiging T.H.(Trying Hard). And alam mo dapat ang proper place for smoking. Hindi yung naninigarilyo ka sa isang place na alam mong nakaka-gambala ka na ng clean lungs ng ibang tao.

Hindi mo ba alam, na every stick ng yosi ang hinithit mo, ay nagbabawas ka ng 10 minutes sa iyong buhay. Kaya kung gusto mo nang wakasan ang buhay mo through smoking, wag ka nang mang-damay pa ng may pangrap pa sa buhay, okay?


Yun Lang..

Magandang Gabi... :P



Tuesday, October 14, 2008

Hanep!!!

Tuesday, October 14, 2008
No cellphone load for a week!!!

That's a must!!!

Because this week is our Final Exam week.

I have review for our 2 minor subjects, and 3 major subjects!!!

Kaya, ban muna ang cellphone sa aking mga kamay!!!


~oOo~

Hey, guess what? It's Tuesday, and it means, it's Amazing Race and Ugly Betty night.

Ngayong gabi na ang simula ng season 3 ng Ugly Betty dito sa Pinas(Studio 23), Gosh, I'm so excited...

Ang tagal kong inabangan to, bitin na bitin naman kasi ang season 2 nito eh..

Ang heroes kaya, kelan ipapalabas dito? .sigh.


~oOo~

Last day na ng pasok ng mga estudyante ng LPU bukas, pero kaming nursing students, may sarili kaming schedule. Imbes na dapat hanggang bukas nalang ang aming pasok, na-extend kami ng hanggang October 20, ayos diba. Kailangan pa kasing tapusin ang mga natitirang topic, may kaukulang time frame daw kasi yun na kailangang ma-achieve, whatever!!! hindi ko sila maintindihan!!!


~oOo~

Ngayong October 20, birthday na ni Liit, one of my TOLS, akalain mo, 18 years old(debut na niya) na siya, pero ang height niya pang-12 years old, oha oha..

Kaya kami ngayon, nag-iisip kami ng surpirse and birthday present for her..

Speaking of debut. Tatlong debut na ang naka-schedule na dapat kong i-attend, HANEP!!!. Kay Divine, Kay Tin at kay Cielo. Lahat dyan may role ako noh, dalawang 18 roses at isang 18 treasures, Damn, san ako kukuha ng pang-regalo. hehehe

Good luck nalang sa akin.. :D

Wednesday, October 08, 2008

WHOAH!!!!!

Wednesday, October 08, 2008
Kelan lang, nakita ko tong lamp na to sa kwarto, ang cute!!!. Binuhat ko, at medyo mabigat, nahiwagaan ako kung anong laman sa loob na nagpapabigat dito.. at nung binuksan ko na!!! :-SS





WHOAH!!!! Isang malaking BATTERY ang laman niya... Nakakatuwa.. :))




Pasensya na ah, ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang kalaking baterya eh.. :D




I love my kekek

oha-oha, naka-patong pa yung paa niya sa paa ko habang natutulog, medyo makapal mukha noh.. :)



yes naman, si kekek, sideview kung sideview, alam niya yatang ipo-post ko ito sa friendster/blog kaya todo pose.. hehe



Saturday, October 04, 2008

Tribute Speech

Saturday, October 04, 2008
As part of our finals sa speech, kailangan namin gumawa ng isang argumentative or tribute speech. Ako, pinili ko tribute speech, kase medyo mahirap ang argumentative speech eh. :D


Gumawa ako ng speech as a tribute to my sisters(aaaaawwwww), entitled "The Charmed Ones".


Pasensya na po sa grammar ah, talagang mahina ako sa english eh. :D


Pero impernes, naka-96 ako dyan.. oha-oha!!!




The Charmed Ones

A tribute to my sisters


Happy morning everyone, ever wonder why I chose a tribute speech for my sisters? Ever wonder what is charmed ones? Well, here it goes.



Charmed is an American television series that ran for eight seasons on the now defunct WB. It is about three sisters who are very close to each other and they are the world's most powerful good witches, known throughout the supernatural community as "The Charmed Ones", but known to everyone else as the Halliwells. Each sister possesses unique magical powers that grow and evolve over the course of their lives. The Charmed Ones live together in a house they call the manor and use their supernatural abilities to battle the warlocks, demons and other evil forces that populate San Francisco, California. Demon says that “don’t mess with one, or else all three will mess back with you”. And we are like that, that’s why we called ourselves as “KUYOGS”


My sisters and I are like the charmed ones; and we are all witches that kill demons all throughout Pasay City. And that selfish, greedy, garbage eater Mayor Peewee Trinidad is the source of all evil. Anyway, I’m starting to speak non-sense here. I just compare the closeness of the three sisters in the TV series with the closeness that I have with my two ates.


My ates, serve as the source of my inspirations. Both of them have a very good personality. Garet Gloria, is the oldest, the adviser and and the joyful ate, but let me tell you, you don’t want to make her angry, she’s scary. Cori and I have a big respect to her and we never call her in her first name. We always call her ate. She’s now living happily with her husband, Christopher Gloria and their daughter, Sophia Danielle. She graduated accounting major from Philippine School of Business Administration (PSBA). So if you need a math tutor, just contact her. Cori de Leon is the joker, she throws jokes all the time, she love to cook and also, she loves to eat. Her heart was once broken and then fixed by a very generous man that he met three months ago. My high school friends always ask me “bakit hindi mo tinatawag na ate, si Cori?”, and my answer was always “eh kasi, one time, grade school ako, tinawag ko siyang ate Cori, binatukan ba naman ako. Ayaw nagpapatawag ng ate, nagmumukha daw siyang matanda, arte diba”.


I love my sisters; we always hang out, play cards together and even talk about rumors that are spreading in our compound. We love pictures, every moment we’re in a one place; we’re not going to pass that opportunity to take pictures from it. Check my friendster, and see, it is full of pictures of us. There was one cousin that told us “picture na naman kayong tatlo?”, we were like “HUH? Care mo?”. We always take pictures not just to post it on friendster, but we take pictures because we like to have a remembrance by having a portrait as complete and happy siblings. We always cherish every moment of our lives because who knows, it may be our last, well knocked-on-wood.


My friends, I may not convince you regarding how I love my sisters through this speech but try to look me in my eyes and then judge me, I love my sisters more than anything else. I will sacrifice my own happiness, if the happiness of my sisters is at stake.


Ladies and gentlemen, I hope you love your brothers and sisters like how I love my ates, for they are the only person whom you can entrust your life. And they are the one who can love you more than anyone else. Thank you...




Wednesday, October 01, 2008

Wala lang...

Wednesday, October 01, 2008
Gusto ko lang sabihin na, nakakamiss etong palabas na to, Ang Wiggles!!!




Pont you fingers
The Wiggles




Hot Potato
the Wiggles




Rock-A-Bye-Your-Bear(Sabi nga ni EJ, RocKABAYO)
The Wiggles



Pero, pinaka-nakakamiss, ay ang MGA nanggulo sa bahay namin a year a go!!! :)

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket