Wednesday, November 05, 2008

Pasukan, HSM3, New Shoes, Cori's Bday and Vball

Wednesday, November 05, 2008
Ngayon ay November 5 na, at bukas ay November 6, it means, goodbye bahay and hello hell, i mean school!! Parang ayoko pang pumasok kasi, hindi ko pa gaanong nae-enjoy ang sembreak then papasok na agad, and ako, nalipat ako ng ibang section, at yung mga close friends ko ay naiwan sa dati kong section, so, panibagong kapaan na naman ng mga ugali dito, pero atleast, may mami-meet akong new friends... Keep in touch nalang sa mga friends ko sa kabilang section...

Bukas ang schedule ko ay from 7:00am - 7:00pm, oh dba, ayos!!! kawawa naman us!!! And ang nakakainis pa, kung kelan malapit na ang pasukan, bigla naman sumakit ang ilong ko, alam mo na, may tutubong malaking-malaking pimple sa ilong ko... That sucks...


~oOo~


Last Sunday, nanuod kami ng Cori ng HSM3(High School Musical 3), sa greenbelt 3 and ang mahal ng ticket ah.. Buti nalang nilibre ako ni Cori. Well, sulit naman ang binayad eh, ang ganda ng niya. Nakakakilabot ang every scene na magkakantahan at magsasayawan sila.. and, lahat matured na tignan.



Panuorin mo tong trailer, baka gusto mo na din panuorin yung movie.


After watching HSM 3, kinita na namin sila mommy sa glorietta para bumili ng sapatos ko pamasok, Kawawa naman kasi yung luma kong sapatos, kailangan nang mag-retire...


eto yung luma ko...


At eto naman yung bago. oha-oha!!!


at para na din i-celebrate ng 25th birthday ni Cori. Kumain kami sa Shakey's.. Ni-order namin yung deal 2(yata), yung may 1 pitchel ng iced tea, 8 slices of pizza, garlic bread, chicken(good for 5 persons), and spaghetti(good for 5 persons) and nag-order nalang kami ng 5 rice. The Best!!! Hindi na namin nakuhaan ng picture kasi sadyang gutom na us..



Si daddy, kahit kelan, pa-candid effect!!!



~oOo~


Kahapon, nagyaya ang tatay ko manood ng volleyball sa San Juan, nung una ayoko pa, kasi sayang araw, pero napag-isip isip ko, GO na!! Sama na ako, magaganda laban eh.. Umalis kami sa bahay ng 12:30 at dumating kami sa The Arena ng 1:30. Nung una, madami pang bakanteng upuan, pero nung magsisimula na ang laban, isa-isa nang nagdatingan ang mga tao, grabe, napuno ang lower box ng The Arena.

The best ang mga laban!!! First match, Ateneo vs. Adamson, 4 sets siya, ang ganda, ang tagal mamatay ng bola, nanalo ang Adamson. Then 2nd match, La Salle vs UST, whoah!!! napa-tumbling ako sa ganda laban, 5 sets siya. at ang crowd, Damn, parang championship na ang labanan, nanalo ang UST!!! and ang 3rd match, Lyceum vs FEU, hanggang 1st set lang kami ni daddy kasi gabi na, baka wala na kaming masakyan, at ang akala namin panget ang laban at akala namin matatalo ang Lyceum, kaya hindi na namin tinapos, pero kami ay sadyang nagkamali!!! nanalo ang Lyceum laban sa FEU, eto ang kanilang 1st win sa apat na laban. oha oha.. hehehe.. 5 sets din ang labanan. Siguro kaya nanalo ang Lyceum kasi andun na si Boto, ang strong player ng Lyceum, in fairness kay boto ah, bagong rebond ang kanyang hair, sa dating pangit na buhok, ngayon ay panget pa din. haha..


Speaking of Volleyball, may nakita ako sa youtube na game ng volleyball, Wag niyong pagtatawanan ah.. bwahahahahahahahaha




>>tignan mo sa 0:08
>>"OMIGOD I got that on tape", salbahe yung kumukuha ng video. hehe
>>pagka-salo ng bola gamit ang mukha, buhay pa din ang bola... Kaya lang score pa din ng kalaban, sayang effort ng libero..


~oOo~

Eto ngayon ang L.S.S.(Last song syndrome) ko, hindi ko mapigilang hindi kantahin..




Can I Have This Dance
Vanessa Hudgens and Zac Efron

~oOo~

50 Days nalang, Pasko na... wuhoo!!! mayaman na naman ako!!!



7 spike/s:

Garetski said...

e bakit ka nalipat ng section?

Feelingerong Oppa said...

pinaglayo daw ung mga magkakaibigan... mga pauso!! hehe

Garetski said...

e bakit ikaw lang napalayo...? ang labo... :)

Cori said...

andami namang kwento sa isang post.. nakakalito kung san mag-comment...

Feelingerong Oppa said...

ate - hindi lang ako yung mga napalayo sa mga friends, pati yung iba kong classmates na classmates ko din ngayon.. magulo ba? heheh.. basta na nga lang..

cori - basta, mag-comment ka nalang nag mag-comment.. hehe

rozhel said...

ei towl! hehehe ^^ .. hataw ka mgtype ahh .. umaatikabo! LOL..... :))

Feelingerong Oppa said...

hehehe.. syempre... kumusta na blog mo? nagloloko parin ba?

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket