Monday, December 08, 2008

10 signs na malapit na ang pasko

Monday, December 08, 2008
1. Tumuntong na ang buwan ng Disyembre at Advent week na

2. Nagsisimula nang lumamig ang simoy ng hangin

3. Maliwanag na ang mga kalsada't kalye dahil sa mga Christmas lights

4. Meron ka nang maririning na mga batang nagka-caroling at meron nang kumakatok sa gate namin para magbigay ng sulat na magka-caroling sila dito sa loob ng compound namin

5. Ang mga sidewalk sa libertad ay puno na ng mga sidewalk vendor na nagtitinda ng mga pwedeng ipang-regalo sa pasko

6. Nagsimula nang magbunutan para sa exchange gifts

7. Nagsisimula nang dumami ang laman ng ref namin, senyales na unti unti nang namimili ng mga pagkain na kakainin sa pasko

8. Ang mga malls, LRT stations, grocery stores ay nagpapatugtog na ng mga Christmas songs

9. Ang mga nago-opisina ay excited na sa Christmas bonus samantalang ang mga bata at bata-bataan ay excited na sa kanilang Aginaldong matatanggap sa pasko

10. At syempre, lahat ng tao ay busy na sa pag-Christmas shopping nila, kung ano ang ihahanda sa pasko, kung ano ang ibibigay sa mga inaanak, kung ano ang ireregalo sa mga kaibigan at syempre, kung ano ang iyong susuotin(ang pinaka-gusto ko sa lahat ng shopping)..


17 days nalang.... PASKO NA!!! WUHOOO!!!


3 spike/s:

rozhel said...

hahaha di qu feel yn tol`! aheheh XD

Feelingerong Oppa said...

shiaaarap tol!!!

Cori said...

Pasko na talaga!!! woo hoo!

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket