Thursday, December 25, 2008

Merry Christmas...

Thursday, December 25, 2008
Last year, nagkakaron ng isang maliit na party dito sa Simpao Compound. Nagkaron ng Volleyball Tournament, and ehem, kami ang nanalo.. After the tournament, exhchange gift na...

Pero ngayon, nagkaron na ng games, after ilang years na nawala ang games dito sa compound, naibalik na siya ngayong taon.

Nagsimula ng bandang 8:30, inantay pa kasi ang buong miyembro ng pamilya..

Inumpisahan ang party ng dasal, na pinamunuan ni Tita Vangie, pagkatapos ng dasal, shining moment na ni olens, kumanta siya ng "Lupang Hinirang", ang galing.. In fairness, ang daming natuwa(including Uncle Danny, ganda kasi ng ngiti niya eh).. hehe

Para maiba naman ang takbo ng program, imbis na umpisahan sa exchange gift, inumpisahan na agad sa games.. Unang Laro, "Pin the Obet", imbis na "Pin the Donkey", pin the obet nalang, para kwela.. haha... Ang batang makapaglalagay ng pinakamaayos na Santa Hat sa ulo ni Tatay Obet, ang siyang mananalo... Ang mga kasali.. EJ, Owen, Betong, Shamaye, and Olens.. Ang nagwagi... Si EJ(ang daming coach eh.haha)!!!! Lol..

Second game.. "Get that Piso". Unahan makuha ang piso sa plato na punong puno ng arina... Bawal gamitin ang kamay, bibig lang ang pwedeng gamitin sa pagkuha ng barya.. Ang mga kalahok. Ericka, Janjan, Kiko, Neneng and Tintin.. Ang nanalo... Si Kiko...!!! =))

Third game... "Trip to Jerusalem"... Malamang alam na ng lahat kung pano ang game na to, ang hindi may alam kung pano ang mechanics ng game na 'to, mabuti pa, bumalik ka sa pagkabata.. =)).. Ang mga kasali, EJ, Olens, Owen, Betong and Shamaye... Ang nagwagi... Si Owen..

(Dagdag impormasyon lamang po, si Olens po ang unang-unang natanggal, at marahil hindi niya matanggap ang pagkatalo, siya po ay naiyak... At ang nanay niya kasi, pinagtawanan pa siya.. Kaya ayun, iyak si Uloponggus!!! =))..)

Fourth game.. "Saluhang itlog--Matanda Version..". Ang saluhang itlog ay isa sa mga larong nakagawian nang laruin sa Simpao Compound tuwing sasapit ang Bisperas ng pasko, pero ngayon, nang maiba naman, imbis na ang mga not-so teenagers ang maglalaro ng game na ito, ang mga not-so matatanda ang maglalaro(sa madaling salita, ang mga may asawa na..).. Mga kalahok. Vangie-Danny, Alice-Ongie, Pek-Toto, Ine-Obet... Unang Ronda de Eliminacion, maglalaban sina Vangie-Danny at sina Alice-Ongie... Guess What, nanalo ang team America(Vangie-Danny).. Pangalawang sasabak sa Ronda de Eliminacion ay sina Pek-Toto at Ine-Obet, ang nanalo at ang lalaban kela Vangie-Danny ay sina Pek-Toto.. Championship na, lahat ay nababalot ng tensyon at lahat ay isa-isa nang pumipili ng kani-kanilang mga manok.. Syempre, dahil sipsip ako, kay Tita Vangie ako kakampi.. haha.. And sina Vangie-Danny nga ang nanalo....(Hindi ko alam kung pinagbigyan nalang sila o talagang mahusay silang sumalo ng itlog.. =)))

Ang fifth and last game, Syempre sa mga pa-teenagers effect na ito... ang "Sack Race".. Malamang, alam niyo na din ang mechanics nito.. Self-explenatory nalang yan no!!! Anyway, Team A:Neneng, Cori, Melissa, Rina, Lenlen, Mico, and Bong. Team B:Cheche, Ericka, Dadang, Tange(Yours Truly), Dudong, Avin and Kiko. Unang round, nanalo ang team B, pero sa pangalawang round, nanalo ang team A.. Dahil sa unit-unting pagtanda ng mga kalahok, mabibilis nang mapagod, napagkasunduang tabla nalang ang laban... LOL!!!

(Karagdagang impormasyon uli, sa unang round, si Neneng ng Team A, ay naka-experience ng pananakit ng paa, malamang, dulot ito ng bako-bakong sahig, at hindi pagsuot ng saplot sa feet during the race, kaya napilitang gawin substitution si Tintin upang maipagpatuloy ang kasiyahan.... Samantalang, sa second round, si Ericka ng team B ay hindi sinasadyang madapa habang nakikipag-karerahan sa kalaban, at matinding natamaan ang kanyang dibdib...... At ang pinakamatanda na si Cheche ng team B ay mayroong sprain sa paa - FYI, meron na siyang sprain bago pa lang magsimula ang patimpalak. Natapilok ata.. tsk tsk, iba talaga pag tumatanda na, humihina na ang paningin, hindi na nakikita ang mga hazards sa daan.. Lol!)

Pagkatapos ng mga games, inumpisahan na Exchange gift... Siyempre, simula ito kay Mama Puring dahil siya ang pinakamatanda sa lahat[parang kelan lang, si acoy(Rest In Peace) ang palaging nag-uumpisa ng exchange gift kasi siya ang pinakamatanda]... Anyway, basta ako, ang nabunot ko si Ate Rina... :)

Thanks to lenlen for the unan, siya kasi nakabunot sa akin eh.. :)



Bago pa dumiretso sa Pot, nagkaron muna ng isang maikling presentation ang mga seksing(?) kababaihan dito sa Compound... Sila ang mga "Butandings", Sila ay sina Melissa, Dadang, Cheche, Cori(oo cori, included ka na sa mga butandings.. tsk tsk), at ang kanilang leader na si Ate Tina... LOL!!!

Eto po ang kanilang presentasyon... (Sa mga kumakain po, maari po lamang na itigil muna nila ang kanilang pagkain, dahil medyo nakakaumay ang inyong mapapanood, and also, parental guidance is advised.. Maraming salamat po... =)))



Pagkatapos ng kaumay-umay na presentasyon, dumeretso na agad kami sa Pot, sa tig-bente bente per head at sa dagdag na pera ni Uncle Danny at Tita Vangie, kami po ay nakalikom ng php1,260 na ilalaan kung sino man ang mapalad na hindi mabubunot... Para umpisahan, si EJ ang nagsilbing chairperson, ang unang bubunot, at dahil love na love niya si Tita Sarah, siya ang nabunot.. hahaha.. Bumunot na ng bumunot hanggang sa may maiwang apat... Si Mama Mita, Papa Roger, Shamaye and Cheche... Sa apat na ito, unang nabunot sa Papa Roger, dahil wala si papa Roger, ang kaniyang butihing maybahay na lang ang bumunot para sa kanya, sa kasamaang palad, pagkabunot ni Mama Mita, Wapak!!! Sarili niya ang nabunot niya.. Lol... So dalawa nalang ang natitira, Si shamaye at Cheche.. Ang dalawang babaeng magkaiba ng edad, ngunit magkapareho ng height, =))... Anyway, na kay Mama Mita nakasalalay ang mananalo, pero bago bunutin ang name, napagkasunduan na ang 2nd price ay makakatanggap ng php500, samantalagang ang mananalo ay makukuha ang naiwang halaga..... Eto na, moment of truth, The winner, of Simpound Compound Pot, 2008 ay si.............. Cheche!!! Huwaattt??? napaka-swerte ni Cheche sa pot kasi last last year sya nanalo sa pot sa Tramo eh.... Samantalang kami, ang aga namin nabunot.. haha.. Anyway, tuwang tuwa naman ang magulang ni Shamaye dahil alam nilang sila makikinabang ng limang daang piso na napanalunan ni Shamaye, kawawang bata.. hehe..

Pagkaraan ng ilang minuto matapos ang pot, pumunta na kami ni Cori ng tramo, para magkaron din ng simpleng salu-salo para sa Pasko... Well, simpleng exchange gift worth php200.. Nakabunot sakin si Ate Nadia, and guess what? I really really really love her gift... Bag na white(sakto pamasok...) and Mug na may picture naming dalawa ni Sophia(ine-endorse nila ang kanilang business.. haha), ang nabunot ko si Ate Tata, binigyan ko siya ng Polo Shirt from Greenhills(Uy, lagpas php200 yun ah.. =)))

eto yung gift sakin ni Ate Naj... Salamat Ate Naj, I Love it!!!


After ng exchange gift, kainan na, yung iba nag-iinuman.. Pero ang best part, ang chismisan.. hahaha.. Samin nalang yun, kung ano napag-chismisan... Umuwi kami ng 2:00am, and we are all ready for the coming of our savior, Jesus Christ.. :)

~oOo~

Merry Christmas sa lahat...

Ate - salamat sa regalo/padala.... Ur the beast este, best talaga... Love yah..

Cori - Ganda ng gift sayo ng Chubs mo, testing mo na ah.. hehehe.. Manlibre ka naman, balita ko tiba-tiba ka kay Uncle Danny eh.. haha Love yah din... :)

Tolz Rosel and Dhan - How's ur Christmas Towls?? Miss you na... :)






P.S.

Pasensya kung walang pictures, na-corrupt kasi ang digicam ni Tita Vangie eh, nabura lahat ng pictures sa kanya Jijicam.. :)


8 spike/s:

Garetski said...

ang saya! grabe! kwento pa lang yun ah!
kaya pala wala mga pix. walang kwenta yang jijicam na yan!. hmp! :P

Cori said...

asar nga walang pics.. nakaka-aliw pa naman mga pictures! haaaaay!

Feelingerong Oppa said...

ate - sayang nga wala kau eh... oo, walng kwenta ung jijicam ni evangeline... ang gaganda pa naman ung mga kuha..

rozhel said...

HAHAHA`! JiJiCAM PA TLGA`! TOLS i LOVE D SPiDERMAN`!... HEHEHE ^^

[vayie] said...

Sayang! Wala ako nu'ng exchange gift dahil may shift ako kinabukasan. Mabuti naman nag-enjoy kayo. =)

Feelingerong Oppa said...

rosel - hehe... ako din eh, ang sarap yakapin nung pillow..

ate vayie - sayang nga eh,, ang saya pa naman nung gabing yun.. hehe

rozhel said...

arbor!!!! hahaha

Feelingerong Oppa said...

sapak?

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket