Sunday, September 06, 2009

KIMMY DORA

Sunday, September 06, 2009


The best..

Simply the best!!!

2 thumbs up!!!!

Mula umpisa, hanggang dulo, nakakatawa!!!



Wednesday, September 02, 2009

Happy Birthmonth to me.. =)

Wednesday, September 02, 2009
Eto lang ang pinaka-aasam ko ngayong birthday.. =)




Saturday, August 22, 2009

hhmm.. ako din kaya? Let's see.... =)

Saturday, August 22, 2009
Last August 18, 2009 Tuesday, nagpunta kami sa SMX Convention center para mag-usher sa Nursing Oathtaking ceremony ng mga nakapasa sa Nursing Board exam ng mga nag-take nung June.. Well, ang masasabi ko lang, one of the best experience.. Busy-busyhan kami, and yun ang gusto ko, yung palakad-lakad sa apat na corners ng function room and ina-assist ang mga tao... hehe... Pinaka-the best part ay yung sinabe ng speaker na "You will now put after your name, the two important letters... R.N.".. SHET!! yung mga tao, nagpalakpakan, and na-feel ko ang kasiyahan nila, kasi after 5 years(4 years ng pag-aaral ng nursing and 1 year for review) ng pag-aaral ng nursing, ay nakuha na nila ang pinaka-aasam nilang title... Na-imagine ko ang sarili ko, sinusulat ang pangalan "Nathaniel S. De Leon, RN", naks, diba ang ganda tignan.. hehhe

ang masasabi ko lang, PRAMIS, kukunin ko yung dalawang letters na yun at ilalagay ko sa dulo ng pangalan ko.. pramis yun.. =)


Picture picture sa CR ng SMX, para pang-profile picture.. hehe
Ang ganda ng CR nila, pwedeng tulugan.. hehe


Sunday, August 16, 2009

ASTIG! =))

Sunday, August 16, 2009


I want nobody nobody but choo!!!





Friday, August 14, 2009

Teka nga, panu nga ba ulet mag-blog?

Friday, August 14, 2009
Well, I guess it's time to update my blog.. Since "PETIKS" ang fav word ko and my groupmates ngayon..

Kasi naman last week, ay ang pinaka-busy week na naranasan ko sa buong buhay ko.. Kasi it is our Case Presentation.. at kami pa ang unang group sa aming batch na magpe-present ng case, so ang taas ng anxiety level namin, and sobrang pressured na kami(kasi naman, grupo ng mga crammers? hahaha).. Hindi ko kayang ikwento dito ang mga nangyari, basta ang alam ko, kapagod.. hehe.. Ang masasabi ko lang, SUCCESS ang case pres, although hindi mawawala ang critiques ng mga prof... Pero, sabi nila, sa lahat ng batch sa Lyceum na gumawa ng NCP, ang grupo namin ang pinaka-maayos na Nursing Health History, and take note, kami ang unang group sa batch namin ang nag-present... oha oha.. hindi naman sa nagyayabang ah? hehe...


And ngayon, duty namin sa Longos, Bacoor... Ang Health Center dun, katapat highway, and guess what, libre pulbo!! GRABE!! ANG ALIKABOK!!! DAMN!!! hehe... ang masasabi ko lang, ang duty sa Ospital ng Muntinlupa ang da best... ang corny ng mga ginagawa namin sa Longos, ang konti ng pasyente.. hehe

well,, Ayun na muna for now... next time nalang ulet pag sinipag ako.. =)


Saturday, June 06, 2009

I Love it, ay wait, WE love it !!! =)

Saturday, June 06, 2009


We Love Glee!!
Can't wait for the next episode!!!
=)



Tuesday, June 02, 2009

OMG, I can't wait !!!

Tuesday, June 02, 2009


Toy Story 3


Monday, May 25, 2009

Whew!!!

Monday, May 25, 2009
At last, bakasyon na!!! Tapos na ang summer classes...

Pero sa totoo lang, mas gusto ko pa sa school, kasi dun ercon(aircon), eh dito sa bahay, mainit..

libre maligo sa pawis.. bawal gumalaw, kundi pagpapawisan ka..

Enrollment sa June 4, mga tols, kita kits nalang ah, sabay sabay tau mag-enroll. =P


And malapit na birthday ng Ate ko.. Ano gusto mong gift?? :)



Tuesday, April 28, 2009

LSS na naman!!

Tuesday, April 28, 2009


I really really love this song, and nakakatuwa pa yung music video.. =P


wala lang naman, share ko lang.. =P


Sunday, April 26, 2009

ANAK NG.....

Sunday, April 26, 2009
Anak ng Jueteng!! Hanggang sa You Tube ba naman meron na ding mga Chain Message???

Migad ah!!!

Una kong nakita ang mga ganito sa text, yung mga "I Love You Papa Jesus, Send this to 30 people to show your love for Him", Gosh ah, I love Jesus, pero para idamay sa mga kalokohan?? The heck!!!

Then, Pangalawa kong nakita sa Bulletin Board ng Friendster, yung mga "Oops, you opened this, you have to repost this within 10 secs or else you mom will die", The hell!!! Nagpapaniwala sila sa mga ganyan, mga dakilang UTO-UTO!!!

Then ngayon, pati sa You Tube may ganito na rin.. Pilease!!!!




Pasensya na, Nag-init lang bigla paningin ko.. =P



Saturday, April 25, 2009

CUTE!!!!

Saturday, April 25, 2009



Ang CUTE CUTE CUTE ng bata sa commercial na to!!! nakakatuwa!!!

Unang kita ko, naalala ko bigla pamangkin ko... I miss u bhebe Pops!!!


P.S.

Rosel!! Kamukha mo din!! ahaha


Saturday, April 18, 2009

Endless Love

Saturday, April 18, 2009


Endless Love by Danny Gokey


Gokey fanatic na ulet ako!!! sobrang na-touch ako nung kinanta niya to sa A.I. last week.. =)

Friday, April 17, 2009

Oh yeah!!

Friday, April 17, 2009


Harry Potter and the Half-Blood Prince Official Trailer

Nakakasabik naman!!!


Sunday, April 05, 2009

High School Life is the best!!!

Sunday, April 05, 2009
Kanina, nagkita kami nila Adrian and Bum(Alyssa) para manuod ng presentation ni Cielo sa San Ildenfonso Parish, kasi gumanap siya Mary.. After watching, pumunta kami kela Adrian para dun manggulo!! Nanuod kami Confessions of a Shopaholic(syempre, hindi ko pa din gets, kasi ang labo ng sounds, wala pa din matinong copy ngayon ng dvd na yun eh.. hehe),

And kumain ng kumain. Si Bum, dala niya yung yearbook(yung amin kasi, hindi pa namin nakukuha kasi, nagka-ubusan! ayos diba?) niya at ang sarap balikan ng high school days.. At may nakita din kaming photo album kela Adrian, na puro pictures nung high school kami!! Tawa kami ng tawa!! haha..

Here are the pics..


The Valedictorian and Salutatorian

My best friends

Cha's Debut

JS prom, 4th year


First Year Saint Paul

Again, first Yaer Saint Paul -- Right after ng Christmas Party

Weirdo Ad!!

Me. with cha and Adrian right after their play at Phil-Am Theatre


HESBIES FOR LIFE!!


Saturday, April 04, 2009

May 16 na ba???

Saturday, April 04, 2009
Oh gosh, oh gosh,oh gosh!!! Im so F*ckin excited!!!

Manonood kami nila Rosel and Dhan ng Archucook!!!

And libre ng ate niya, kasi sponsor daw!!! hehe.. basta yun na un!!

Sobrang excited na ako!!!

So Rosel, mabait ako sa hanggang May 16!! hehe



Basta Roseliza Parungao ah!! Touch move na un!! haha


YEBA!!!

Ngayong bakasyon, naadik na ako sa facebook! mas madalas ko nang kalikutin ang facebook ko kesa sa friendster ko, ang dami kasi pwedeng gawin eh.. My favorite part ay kapag nag-quiz ako.. hehe, minsan lang, hindi maganda resulta.. hehe.. Anyway, I heart facebook.. :)

~oOo~

Meet kekek's future wifey.. Her name is Sachie, and she is soooooooo cute!!!


Medyo nagseselos nga lang ang bebe kekek namin, ayos lang yan kekek, magiging close din kau ni baby sachie.. :)

Dagdag lang, alam niyo naman na may lahi kaming bingi, at nagmana kami sa aming ama ng pagiging bingi, kahapon habang nilalaro namin si Sachie, tinanong ng aming ama kung ano ang pangalan nito, eto sabi namin SACHIE, sabi niya, "ANO? SARSI?" hahaha, gawin ba naman inumin si sachie.. LMAO!


YUN LANG.. :)

Monday, March 30, 2009

Pimp-my-Blog

Monday, March 30, 2009
Salamat kay ate sa pag-aayos niya ng blog ko..

ngayon, mukha na siyang blog..

and may volleyball pa sa ilalim ng bawat post..

OHA-OHA!!!

Salamat ate.. :)


Now, I'm officially pimped..

Saturday, March 28, 2009

Earth Hour

Saturday, March 28, 2009


Ngayon ay 8:54pm and patay lahat ilaw namin dito sa bahay bilang suporta sa programang ito..

Sa pag-cooperate lang sa program na to, malaki na matutulong namin bilang concerned citizen.. :)


Ticket prices...

Eto na ang mga ticket prices sa concert ni Cook and Archey sa May 16..

Ready ka na ba?

Front row seats - P10,000 (Jesus, Mary and Joseph)
2nd row seats - P8,500
3rd row seats - P7,500
4th - P5,500
5th - P4,000

it goes on…

6th - P3,400
7th - P2,100
8th - P1,800
9th - P1,500
10th - P1,000



Anak ng.. ano yang mga upuan na yan? ginto?? ang mahal!!!

Sapakan nalang!!!

Start City Madness..

Kahapon, nagpunta kaming star city nila Cori and TJ.. Biglaan lang po ito.. walang planong nangyari.. Mayabang ang isang bata eh, kakasweldo lang.. hehe

And super enjoy ako..

Here are some pictures..


May ganito sa Ocean Park eh.. pero hindi namin sinubukan.. Pero kahapon, naisipan namin subukan!! Anak ng... sayang lang ang php50 kay cori, hindi niya kasi natapos yung 20 mins.. hehe, pano naman kasi, sobrang nakakakiliti yung mga isda.. haha.. Sabi nga namin, kung andito si ate, hindi tatagal yun.. Kasi sobrang malakas kiliti nun eh.. hehehe

I'm back..

After 2 days na walang internet..

I'm back!! wuhoo!! hehee

~0o0~




anyway, last Thursday, napanood ko ang American Idol season 8 top 10.. Musics of Mo-town ang theme nila.. And I love Adam Lambert's performance.. Buti naman, hindi siya sumigaw sa performance niyang yun.. hehe

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket