Saturday, February 28, 2009

Cellphone Dilemma? I don't think so..

Saturday, February 28, 2009
Nung una ko nakuha ang phone ko from Ate, after 1 week na paggamit nito, palaging may lumalabas na "messages: memory full, delete some data" and minsan mas worst pa, "not enough memory to receive/send messages".. woah!! memory full? dalawa lang laman ng inbox ko.. ang folders ko burado na lahat, pati templates, tinanggal ko na.. bakit ganun?.. Ang isa pa.. Hindi ako makapaglagay ng kanta, pictures, videos sa phone through USB. Hindi rin makatanggap ng items from bluetooth or Infrared... So talagang naiinis na ako!!! Hingi na akong tulong kay Ate..

Sabi ni ate, dalhin ko daw sa Nokia Center para ipaayos, pero ang sabi naman ni Cori, "Bat lalayo ka pa? andyan naman si Harvey?".. Oo nga noh.. nawala sa isip ko si harvey... so, punta agad ako sa kanya.. and nagbigay agad siya ng price, php200 daw... Go na!! compare mo sa Nokia Center, malamang mas mataas pa sa php200 ang bayad dun.

20 minutes lang ang pag-aantay ko.. at sinubukan niyang magpadala ng kanta via bluetooth!! and yuhoO!! Ayos na!!! Pero nabura lahat, contacts ko, pictures, songs, themes.. nawala lahat!!.. kaya nilagyan ko agad agad ng kanta, pictures and themes..

After 2 weeks, ganun na naman ang nangyari... Same old shit!!! mas naging worst pa.. hindi ko na ma-open ang ibang application sa phone ko!!! Balak ko, ibalik na naman kay harvey.. Pero naisip ko muna... Ano kaya ang cause bakit nag-gaganito? Naisip ko, baka sa themes, kasi nung isang gabi, super dami kong nilagay na themes(bakit ba, patay gutom ako sa themes eh)!!! Baka, ayaw ng maraming themes ang naka-install sa phone kaya nagloloko!!.. So sinubukan kong tanggalin ang mga themes na nilagay ko, at nagtira lang ako ng isa.. And HALLELUJAH!! naayos na siya!! And naturally, so far(naks, ma'am grace is that u?), maayos na ang phone ko.. So from now on.. Banned na ang themes sa phone ko!! hahaha..

Yun lang naman.. share ko lang, ang naging dilemma ko sa phone ko ngayon..

Basta, i love my phone.. :)


****

Addendum lang..

Nakakatuwa ang mga pumasok sa top 12 ngayong week.. Si Adam Lambert(Kahit laging sumisigaw!), yung girl na kumanta ng Alone, and si Kris Allen..

Pinaka-gusto ko si Kris Allen, nakakatuwa. Parang hindi mo magawang kainis yung mukha niya.. hehehe.. Ang ganda rin ng pagkakakanta niya sa "Man in the Mirror" by Michael Jackson.. Mas gusto ko siya kesa kay Danny Gokey.. :)

Here's the vid..







And also, ang ganda ng group performance nila..
Listen to Group 2's performance.
"Closer" by ne-yo







Nyt Pipz!!!

3 spike/s:

Cori said...

hmmm... i introduced you to kris allen!

Feelingerong Oppa said...

Whatever!!!

GARET said...

yun yung mahaba ang baba? :)

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket