May 3, 2008 bumuhos ang malakas na ulan. as in malakas. walang halong biro. Ang sarap talaga ng feeling, kaya ang ginawa naming magpipinsan ay agad na tumakbo sa ulan at doon nagasiligo kami. Walang nakapigil sa amin, at pati ang super kontrang si dudong ay naligo na din sa ulan. Sa tindi ng lakas ng ulan ay naisipan naming magpicture picture at magvideo., Sino ang photographer? Walang iba kundi si erika, hindi sya nakaligo sa ulan kasi "meron sya." Kaya ayun, naging photographer nalang ang trabaho niya. Anyway, matagal tagal din ang ulan kaya ang dami namin nagawa.. eto ang mga videos at pictures ng mga masasayang nagawa namin. pasensya na kung medyo magulo, kasi pati ang kumukuha ng video ay tumatawa din.
Eto ang unang video habang naliligo kami. Parang ngayon lang nakatikim ng ulan. hehe
Eto naman ang isa sa mga ginawa namin, habang ineenjoy ang sarap ng ulan. Ang "Hep Hep Hooray" na ginaya namin sa wowowee. Si dudong ang nanalo dito eh. nakakalito pala tong game na to. :)
Eto naman ay nagvovolleyball kami sa ulan part 2. Last year kasi naliligo din kami sa ulan, at lalaro ng volleyball. :) si dadang EXAJ!!! kunwari nadapa habang kinukuha ang palo ko, at pansinin niyo si melissa natamaan ng bola sa ulo. hehe
Eto naman ang video habang naglalaro kami ng monkey monkey anabelle(Rama. hehe) sa ulan. Unang taya si tin tin, dudong at neneng kasi sila ang natira sa maalis marami(hindi pwedeng isa lang ang taya, kasi baka mabalagoong, nakakaiyak yun).
Ang huling video namin ay ang batuhang tao. Ang magkakakampi ay si dudong, lenlen, tin tin at tange(ang inyong lingkod), habang kalaban naman namin sina dadang, cori, melissa, at neneng. Lalaging unang natataya si melissa at laging huli si cori, at laging sapul si cori sa kili-kili. hehehe
Eto naman ang mga pictures namin sa ulan. :)
Ganyan namin namiss ang ulan, kaya nang umulan ng malakas, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na maligo at magsaya. :).. At sa nakita niyo naman sa mga nagawa namen ay talagang nagpapatunay na matagal ang pag-ulan, kasi ang dami namin nagawa. hehehe
Saka dito pag umuulan, pwede maligo kase hindi malamig, at tubig ang inuulan, hindi kagaya sa iba yelo ang binabagsak, diba ate.. :) hehehe
2 spike/s:
hahaha. oo nga. feeling ko kung andyan po sopya, naku kasama yun. hindi ko mapipigilan...
mukhang mga sabik!!!
hahaha.. kasama si shamaye sa ulan eh.. malamang nga hindi mo mapipigilan si sophia. hehe sayang!
Post a Comment