Thursday, June 05, 2008

Reminiscing : Elementary Graduation

Thursday, June 05, 2008
Isang gabi, tinanong sa akin ni mommy kung nasan na ang i.d ko sa college? Napaisip ako, nasan nga yun? Hinanap ko na agad sa aparador ko. At nakita ko yung yearbook ko nung Elementary. Wow, reminiscing ako. Unang bukas ko pa lang, nakita ko yung Alma Matter song namin, ang "Harvest is Great". Naalala ko ang naging away ng grade 5 at grade 6 nang natalo ang grade 6 sa interpretative dance para sa kanta. At naalala ko din, nung High School, tuwing Monday which is assembly namin sa gym. Huling-huli ginagawa ng pagkanta ng Alma Matter song with matching action pa. Damn, nagsimula gawin ang may action na Alma Matter nung grade 6 yata ako, at hanggang mag-4th year ako, ginagawa pa din namin yun. Anyway si Mrs. Coruña(Asst. Principal), umiikot na ng buong gym, para mag-hunting ng hindi gumagawa ng action sa kantang "Harvest is Great" Yah, every Monday yun, pag nahuli kang hindi nag-action, titigan ka ng masama hanggang sa ma-gets mo na meaning niya kung bat ka niya tinititigan. hehehe... Napakanta tuloy ako bigla ng Harvest is Great nung gabing tinitignan ko yung yearbook ko.

Nakita ko yung mga naging teacher ko. Yung mga nakakatawang teacher, yung mga nakakatakot. Yung isa kong music teacher nung Elem. na wala naman sa tono pag kumanta(kung ganito lahat ng music teacher, pwede na ako mag-apply ng music teacher, sa boses kong napakaganda? hahaha). Na-miss ko din yung mga teacher ko na favorite ko at siguro favorite din ako.


Yearbook 2003



Then, hinanap ko na ang mukha ko sa mga graduates. At eto ako. May nakalagay sa baba, konting description 'bout sa akin.


"You might be mistaken that is guy is very quiet but he has many friends.
This chinky eyes guy loves to play scrabble"



Huh? scrabble? hindi ko nga naging favorite yung game na yun.. Siguro nakita niya ko isang beses sa school naglalaro ng scrabble, baka inakala na niya fav ko yun. Kung anu-ano ngang nilalagay kong words dun eh. Basta maka-score lang. Wala lang ata malagay tong teacher ko about sakin eh, hindi kasi niya ako favorite. At FYI, siya ang unang teacher na tumawag sakin ng TANGE(thanks to cori, sa pagpapauso ng tange sa SICS).. hehehe


Eto naman si Adrian. Besprens na kami since elem. Wala pa si Kriza nun eh. First year siya dumating sa SICS.


"He is very artistic and a good singer too.
Ask the name behind the decoration of the room and it's A.D."


Naalala ko nung grade 6 kami. Si Adrian ang punong abala sa mga ginagawa sa classroom namin. Siya taga-drawing. Pero good singer, HUH? no comment nalang. Good dancer pwede pa. hehehe


Then, andito din ang mga honors nung elem. Andito si bum, 2nd honor siya, next to Toni San Miguel. At nakita ko ang Academic Awards. Halos lahat kay Marie Toni, isa lang binigay kay Alyssa, Best in Hekasi. Siguro sabi ni bum, "wag kang swapang, akin na tong Hekasi.". hehehe


Academic Awards


Nakita ko din yung dalawa sa tatlong mga naging Adviser namin nung 4th year. Si Ms. Torres at si Ms. Torrefiel(Misis na siya ngayon, hindi ko lang alam naging surname niya.). Wala pa pala ang Adviser ng St. Andrew(Mrs, Perez) nung elementary kami.



Adviser siya ng St. Paul nung 4th year kami. Adviser nila Kriza and Adrian




Adviser ng St. Philip


May naalala lang ako about kay Ms. Torres at kay Adrian.

One time, nasa Canteen kami. Dumaan sa harap namin si Ms. Torres with her new haircut na maiksi. Bumanat si Adrian, sabi niya. "Wow. Miss Torres, gupit binata ah". hehehehe.. Loko talaga..



HOY SICS!!!
Ang tagal ng Yearbook namin nung High School. Isang taon na yun.

1 spike/s:

GARET said...

scrabble?! baka mahilig ka sa scramble (tama spelling ko?) hahaha

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket