Thursday, October 16, 2008

Strictly, No Smoking!!!

Thursday, October 16, 2008

Na-experience mo na bang sumakay sa isang jeep na may kasakay kang naninigarilyo? Well, ako ma-swerte ako sa ganyan, madalas akong may makasakay sa jeep na adik sa sigarilyo. Halos everyday na sasakay ako ng M. Dela Cruz na jeep, ay meron akong katabi or katapat na mukhang tambucho ng jeep ang bibig. Ewan ko ba kung bakit habulin ako ng mga ganito. Sobrang naiirita ako sa pagmumukha nung taong naninigarilyo sa isang pampublikong sasakyan, hindi man lang mahiya na may mga taong asthmatic na kagaya kong hate na hate ang usok na galing sa yosi nila. Kaya 'pag may nahuhuli ng pulis na mga taong nagyoyosi habang nakasakay ng jeep, grabe nalang ang tuwa ko. Oha-oha, yosi ka pa ah!!! Huli ka ngayon.

Eto ang tatlo sa napakadaming beses na na-experience ko habang nakasakay sa jeep..

Una:
Papunta kami ni Cori ng Harrison plaza para tumingin ng cellphone. Habang nasa jeep, may sumakay na isang manong at isang babaeng dalawa lang ata ang ngipin. Si manong feel na feel pa niya ang yosi niya. Hanggang ang sinasakyan naming jeep ay huminto ng di oras, at sa likod namin ay isang kotse ng pulis. Natakot si manong yosi kaya agad niyang pinatay ang hithit niyang sigarilyo sabay tapon sa kalsada, pero it's too late na, nasa mood manghuli si manong pulis nung araw na yun, kaya ayun, wapak! Hinuli siya. Kaya kami ni Cori, haaayy, ang bilis nga naman dumating ng karma(nag-fedex ata. hehe)..

Pangalawa:
Isang gabi, nakakarinig ako ng isang girl na may kausap sa phone, boypren niya yung kausap niya, at sobrang worried etong si girl, eh kasi naman nahuli daw si boypren ng pulis na naninigarilyo habang nakasakay ng jeep sa Makati, eh helloooo, bawal na kaya manigarilyo sa Makati ngayon, kaya ayun!!! Hinuli si boypren. Eh ang tatay ni girlfriend isang pulis, to the rescue si daddy, kinausap yung pulis na nanghuli, pinapakiusapan ata. Hindi ko na alam kung anong nangyari, kung pinalaya ba or pinag-multa. Pero kung ako ang tatanungin, dapat dun, pagmultahin ng php20,000 noh!!! Para mamulubi at hindi na ulet makabili ng sigarilyo. hehe...

At pangatlo:
Eto kagabi lang nangyari, may mag-syotang sumakay ng jeep, mukhang japayuki yung babae, at yung guy mukhang high school drop-out. Around 20-25 ang age nila. Umakyat sila sa jeep ng walang hawak na yosi, at pag-upo nilang dalawa, aba, dun sinindihan ang sigarliyo, at sa mukha ko pa binuga ang usok. Deadma nalang ako kunwari, may alam kasi akong effective way para makahalata at makaramdam ang makakapal na mukha like them. Ganito lang ginawa ko, konting simangot sa mukha ko, dukot sa bulsa ng panyo, at nag-ubo-ubohan sa harap nila. Yung tipong may lalabas nang dugo sa ubo mo.. At ayun, wala pang 2 minutes ng pag-acting, tinapon ang sigarilyo. Oh diba, effective talaga.. Try niyo minsan. Yun nga lang, after ko umarte, pinagbubulungan ata ako nung mag-syota. SUS!!! paki ko, atleast ako nanalo!!! Woohoo!!! hahahaha


Well, pasensya na kung ikaw man ay isang yosi addict, pero make sure, kung yosi addict ka, dapat alam mo ang proper way ng paninigarilyo, hindi yung hithit-buga ka lang naman, masabi lang na sosyal and in ka sa uso dahil nag-yoyosi ka!!! Hellooo,, baka hindi sosyal ang makita sayo ng mga tao kung di pagiging T.H.(Trying Hard). And alam mo dapat ang proper place for smoking. Hindi yung naninigarilyo ka sa isang place na alam mong nakaka-gambala ka na ng clean lungs ng ibang tao.

Hindi mo ba alam, na every stick ng yosi ang hinithit mo, ay nagbabawas ka ng 10 minutes sa iyong buhay. Kaya kung gusto mo nang wakasan ang buhay mo through smoking, wag ka nang mang-damay pa ng may pangrap pa sa buhay, okay?


Yun Lang..

Magandang Gabi... :P



3 spike/s:

Garetski said...

daddy... sabihan si daddy!

Cori said...

you're such a hater!!! pero, korek, nakaka-irita ang amoy ng yosi.. pero ayoko din ang amoy ng siga.. nakupo.. may kilala ko mahilig mag-siga...

Feelingerong Oppa said...

ate - kaya nga!!! si daddy!! pagalitan si daddy!!

cori - si ate weng mahilig mag-siga!!!!!! woohoo!!! isama mo na din si daddy! hahaha

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket