Tuesday, April 29, 2008

De Leon - Gloria Family Presents, our Crib. :)

Tuesday, April 29, 2008
Eto ang munti naming tirahan. hindi ganoon malaki pero puno ng pagmamahalan at kasiyahan sa loob ng tahanan na ito. walang nag-aaway, walang nagkaka-inggitan, at walang siraan, lalo na wala ring laglagan. hehehe.. (drama ba?) Sa cute and simple(naks, parang autograph ah.. hehhe) house na ito, ay dito naninirahan ang pamilya De Leon - Gloria(well, wala ngayon ang mgA Gloria). Uumpisahan ko nang ipakilala ang aming sala, dahil pagpasok mo, eto na agad ang sasalubong sayo.


Eto ang aming sala, dito namin tinatanggap ang aming mga bisita at dito din ang kwarto ng aking butihing ama. hehehe.. dito siya nanonood ng TV(sya lgi gumagamit nun), at dito din sya natutulog. oh diba, sosyal, may sariling kwarto ang tatay ko, bulgar nga lang. heheheh.. Andito din nakalagay ang aming telepono. Yan ang aming sala.. Sige lang. wag kang mahiyang titigan. hehehehe



Sunod naman ang aming hapag-kainan. Dito nabubulgar lahat ng chismis, hehehe. malusog tong table na to, hindi lamang sa Chismis, kundi dahil bilang lang sa daliri ang hindi kami sabay-sabay kumain. heheh.. sa mdaling salita, puno ng pagmamahalan etong lamesang ito(naks) At isa pa, yung salamin sa lamesa namin ay matanda pa daw sa akin, palaging sinasabi sakin ni acoy(namayapa naming lola) nung bata pa ako ay, "Naku tange, magdahan dahan ka nga, at pag nabasag ay salamin, mas matanda pa sayo yan" syempre snsbe ko sa isip ko "yeah yeah alright"(yes english, papacheeseburger ako,hehe). Yan ang aming hapag-kainan.



Sunod na madadaanan mo ay ang aming banyo, eto ang favorite place ko kapag may sama ako ng loob, dito ako naglalabas. heheheh. Dito kami nagtatanggal ng dumi sa katawan namin. mga libags libags. hahahha.


Bago ka makapunta sa aming master's bedroom(yeah, may paganyan-ganyan pa), ay mauunang madaanan ang dating kwarto ng lola kong si Acoy(Rest In Peace) na ngayon ay medyo pagmamay-ari na ni cori at daddy. Dahil dito namamalantsa ang aming ama, at dito naman nagbibihis si cori, minsan dito humihiga si cori, ako medyo kaya ko na yun. heheheh. Dito din nakatambak ang mga bagong labang damit. sabi nga ni Ama, malaking tulong daw ang may libre nang kwarto dahil, medyo lumuwag na daw ang bahay. hehehe..




Bago ka makapunta sa final pit stop, ay makikita mo ang newly improved na kwarto ni cori. IMPERNESSSSSSS, isang buwan nang malinis ito. wala pang nuno sa punsong mga damit na natatambak. at nakakahiga na akong hindi sinisipon, o kaya'y hinihika. oh dba, newly improved talaga. hehehe. palagi ngang tinatanong ni dudong(pinsan namin sa mother side), "ano tange? wala pa bang agiw sa kwarto ni cori" hehehe.. sa kabutihang palad, wala pa talaga. Ang dating magulong computer table ay organize na, ang lampara sa tabi ng PC na dati ay punong puno ng mga USB cable na nakaikot, ngayon ay malaya na ang lampara, wala nang nakapulupot sa kanya. ang mga aparador ay malinis na. nawalan na ng tirahan ang mga daga at ipis, dahil malinis na ito. hehehehe.. Palakpakan nyo naman si cori.., hehe


at eto ang kwarto namen ni mommy. hehehe.. dati nung andto pa si sophia, kanya tong kwarto na to kse hanggang 9pm nanonood sya ng dora, at yung si mommy, sa labas nanonood. hahaha, tiklop sa apo. dito ako madalas nanonood ng charmed at ng TV. palagi itong malinis, at kapag hindi ito malinis, ay lagot kami ni mommy sa mga alikabok. hihikain na kame.. hehe

eto ang aming munti at masayang tahanan. :)

Friday, April 25, 2008

Beyonce Falls Off Stage In Orlando

Friday, April 25, 2008



Nakita ko tong video na to, ilang buwan na rin ang nakakalipas.. at kelan ko nalang ulet naalala..

Ang harot kase masyado sumayaw ni Beyonce, kaya ayan.. nahulog tuloy sa hagdan. hheehehhe..


share ko lang...

Thursday, April 24, 2008

I miss you like crazy.. :)

Thursday, April 24, 2008
Haaayyyy.. Si Ate Weng umalis na kahapon, papuntang Bohol.. Isang buwan din mawawala. at mahaba-haba din ang pangungulila ko kay ate weng.. Kahapon habang naglalaro kami ng volleyball, umalis na si ate weng. At habang palabas na ang jeep na gagamitin niya, ay nawala ang konsentrasyon ko sa paglalaro... nalulungkot ako, parang nawala ang kalahati ng buhay ko. Kase sa umaga at hapon, si ate weng ang nagsasaing, at ngayong umaga ako na ang nagsaing.. kakalungkot talaga.. at mamayang gabi ako na ang maghuhugas ng aming pinagkainan. Damn. Iniisip ko pa lang ay naiiyak na ako. Ate Weng, why did you have to go??

I miss you like crazy..

Wednesday, April 23, 2008

Ngat-ngat!!

Wednesday, April 23, 2008
Eto si Lance Adrian Martin a.k.a. didian.. may bagong talent bukod sa tumawa. Ang mang-ngatngat... Oh diba.. ang galing na bata... sino nagturo niyan? hindi si cori,, si dadang(pinsan namin). Hindi maganda ituro sa bata ang mga ganito, pero nakakatuwa pag ginagawa na ni didian, kse tumatawa pa habang ginagawa niya...

eto ang video...





hehehe.. kakatuwa..

Tuesday, April 22, 2008

Legally Blonde..

Tuesday, April 22, 2008




ang sarap ulit ulitin ng part na to. "where you got in the shower?" hehehhe.. kakatuwa

Friday, April 18, 2008

Glorietta

Friday, April 18, 2008
April 18, 2008, nagpunta kami ng kapatid kong si cori sa Glorietta.. teka sandali? anong lugar to? wow.. its been a while, bago ako ule nakapunta dito.. para na akong taga-probinsya na hindi na alam itsura ng glorietta. Nagpasama si cori na bumili ng USB para sa office niya, eh nakalimutan naman hingin yung pera sa boss niya, kaya hindi na kami nakabili. Ang ginawa nalang namin at nag-ikot ikot nalang sa glo. Gutom na gutom na us, kaya kumaen muna kami sa Mcdo, nilibre ako ng kapatid ko syempre, hehehehe. Pruweba ng panlilibre niya, eto ang mga pagkain namen.


Hindi lahat ng rice na yan akin ah. yung isa diyan kay Cori. hehehe


Eto ang After namen kumaen, parang dinaan ng bagyo. hehehe



Pagkatapos namen kumaen ay nag-ikot ikot kami. Naisipan naming dumaan sa Havaianas para tumingin, wala lang, naglaway lang naman kami sa mga nakita namen, ang gaganda shet. hehehehe. Habang naglalakad kaming papuntang havaianas ay napadaan kami sa shakeys, nakita namin ang malaking picture ni Carillo, player siya ng Lyceum, picture picture. nakakahiya sa una, pero go na.. para sa blog ko. hehehehe


Pagkatapos dumaan sa havaianas ay nag-ikot ikot ule, may nakita kaming bagong bukas na store, sa tapat nung kodak, may bagong store, pinalitan niya yung dating bilihan ng mga CD. Kung san san kami dumaan, medyo madaming tao kaya kung sino sino nabangga namen. Habang naglalakad, ang kapatid ko talagang tumatanda na, OLDIES TIMESSSS.... pagod na agad.. galing daw siyang office kaya pagod na agad.. asus.. excuses... anyway, ayun umuwe na kami, sumakay sa jeep ng pasay road sa unahan, at dun nagchismisan.. hehehehe...



I miss glorietta.. heheheh




Ulam Grades...

kami dito sa bahay, minsan bigla nalang napag-uusapan kung ano ang maibibigay naming grades sa mga inuulam namen sa bahay. Iba't ibang panlasa kaya iba't ibang grades. eto ang mga grades ko sa mga ulam.. here are the ulams......



Fried Chicken - 95%
Pork and Chicken Adobo(ni mommy) - 90%
Pork Adobo(ni daddy, yung walang sabaw) - 80%
Sinigang na Hipon - 75%
Sinigang na buto buto - 93%
Nilagang Baboy - 92%
Tinolang Manok - 95%
Tocino(ni nanay ine at pampanga's best) - 101%
Torta - 89%
Pastel(ni mommy) - 98%
Corned Beef - 80%
Morcon(ni nanay ine) - 88%
Tocinong Manok - 95%
Longganisa - 78%
Barbecue - 82%
Tapa - 95%
inihaw na Liempo - 95%
Mechado - 88%
Sisig(ni cori) - 92%
Adobong may gata(ni mommy) - 91%
Pritong Baboy - 85%
Crispy Pata - 102%
Hipon - 72%
Lumpiang Shang Hai - 94%
Afritadang Manok(ni ate) - 94%
Paksiw na Pata - 95%
Tilapia - 80%
Kare-Kare - 60%
Lumpiang Toge(ni wawa) - 90%


yan ang mga grades ko muna, wala na akong maisip na inuulam namin dito. Siguro, more to come. hehehehe

Ikaw? ano mga grades mo sa mga uls?

Thursday, April 17, 2008

Ang toothbrush... Bow!

Thursday, April 17, 2008
Eto ang aking toothbrush, bali na. paano nabali? ganito kase ang kwento. Nung bata ako, sinabi sa aking ng ate ko na pagkatapos mag-toothbrush ay ipukpok sa lababo ang toothbrush para matanggal ang mga naiwang toothpaste dito. Ang nangyari kahapon, pagpukpok ko, hindi ang mga naiwang toothpaste ang natanggal kundi ang ulo ng aking toothbrush. oh diba ang saya saya. mabuti nalang, nung nagbora kami ay ibinili kami ni mommy ng bagong tootbrush, kaya ayun. hindi na ako gumastos. wala lang, share ko lang... :)

Well, its about time..

At last, tanggal na si KLC, or Kristy Lee Cook. Grabe, umabot pa to ng top7, naunahan pa ni Michael Johns umalis. Pero kahit papano, medyo maganda naman ang performance niya last night.
Maganda naman siya eh, pwde siyang maging Ertista... hehehhe

Bottom 3:
Syesha Mercado
Brooke White
Kristy Lee Cook

Wednesday, April 16, 2008

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos...

Wednesday, April 16, 2008
Sa mga nakalipas na araw, paulit ulit nalang ang ginagawa ko dito sa bahay. parang De Javu,, EXAJJJJJ!!!!! Magigising ako ng 8am, dahil sa malakas na pabango ng aking inay, yun na ang nagiging wake up call ko. pagkagising ko, dito na nagsisimula ang araw araw na routine ko sa bahay.


Una ay bubuksan ko ang TV ililipat, sa AXN channel 49 at manonood ng Amazing Race, eto yung season 12 ata, yung nanalo si TK and Rachel. Anyway, pag natapos ko na ang pinapanood ko sa TV, ano pa nga ba next? Syempre, direcho na ako sa kwarto ni Cori, sabay bukas ng PC, Inernet(slang) na ako, hanggang sa magyaya nang kumaen ang tatay ko ng mga bandang 11:45am. Then kapag ang aking ama ay nagyaya nang kumaen, uutusan na niya akong initin ang ulam. Anong ulam namen? Malamang replay ng ulam kagabi. Then, maghahain na ako, then, kakain na kami, at pag tapos na kaming dalawa kumain, ililigpit ko na habang nanonood kaming dalawa ng tatay ko ng game ka na ba. BANG BANG WHOA, hehehhee..At pagtapos ko nang iligpit at hugasan ang mga pinagkainan, at pag tapos ko nang punasan ang lamesa, eto na,, Manonood na ako ng DVD...

Ang pinapanood kong DVD araw araw ay Charmed. Favorite season ko season 6 kung saan andun si Chris, at season 4 kung saan nabuo ulet ang Charmed. Pinakamagandang part parin para sakin sa lahat ng episodes ng charmed tuwing ginagamit nila powers nila at pumapatay ng demon... ENERGY BALL... hehhee... at habang nanonood ako nito ay binibilhan nalang ako ng aking ama ng halo-halo, aaaww. hehehe... Nag uumpisa ako manood nito mga 1:00pm at natatapos ng 5:00pm, oh kung minsan medyo mga 4:30 kapag nakakarinig na ako ng bingo. o kaya kapag may kalaro na ako ng volleyball...

Pag natapos na ako manood, mayroon detour dito, mamimili ako kung magbibingo ako or kung maglalaro ako ng volleyball kasama si erika.

Tuwing nagbibingo ako ay palagi akong nanalo, bumibingo ng isa hanggang dalawang beses at mananalo na ako kase ang card ko ay dalawang piso lang compare sa mga kalaban ko, hindi bababa ng tatlong piso ang mga card nila, ka-level ko lang si mama puring, kaming dalawa lang ang dalawang piso ang card. heheheh... at kapag nakabingo na ako, at meron na akong buong perang papel na nasilid, uubusin ko nalang mga tig-pipiso kong barya at sabay aayaw na ako.. hahaha silidonyo.. Kanya kanyang technique lang yan, kung paano makakapag-ipon. hehehhe, ginagawa kong hanap-buhay ang bingo. hehehe

Kung hindi man ako nagbibingo, naglalaro kami sa labas ng volleyball ni erika, kung minsan kasali si dadang, mas pinipili kase ni dadang ang bingo, eh si erika mas pinipili ang volleyball. hehehhe, ayun,, laro laro lang kami ni erika, si erika ang bata pa adik na agad sa volleyball, makikita mo nalang yan kalaro pader, kase nakikita nya nanonood ako ng DVD, nahihiya atang yayain ako maglaro.. hehehhehe

Tuwing Wednesday at Thursday, ang paglalaro ng bingo at paglalaro ng Volleyball ay dinedeadma ko dahil pagkatapos kong manood ng charmed ay mas importante sa akin ang panonood ng American Idol. Go Carly.. hehhehe,., Kahit natanggal na ang pambato ng pinoy na si Ramiele Malubay ay adik pa rin kami sa A.I. Kapag si Carly at David Archuleta na ang kumakanta ay talagang nakikinig ako. at pagdating ng Thursday, results night na ng american idol, sana hindi shocking ang maging results, kagaya ng nangyari kay Michael Johns.

At pagtapos na kaming manood ng American Idol ay kakain na kami at magkekwentuhan ng kung anu-ano, si cori magkekwento tungkol sa pagkain niya sa kanyang Opisina at kung paano itago ng mga katrabaho niya ang mga pagkain doon. hehehehe, Si mommy, ewan ko, kung anu-ano kinekwento, si Daddy nagkekwento tungkol sa U.A.(United Artist) hehehehe.. joke lang. Kung anu-ano din ang kinekwento niya, at ang inyong lingkod, ako, ay isang tagapakinig lang. hehehhee.. pag tapos na kaming kumaen ay babagalan ko ang galaw baka sakaling dumating si Ate weng at makalibre ule ako ng hugasan. hahahah...

pagkatapos kumaen si cori ay didirecho na sa PC at ako ay maguumpisa nang magreport ng kung anu-anong chismis na nangyari sa buong araw. heheheheh, Pag tapos na gumamit si cori ng PC ako na ule ang gagamit. at maya maya matutulog na kapatid ko at ako papatayin ko na ang PC at pupunta na ako sa kwarto upang manood ng PBB. Minsan pag pasok ko, nanonood pa si mommy kaya wala akong magawa, pero maya maya ay ibibigay na niya ang remote, pero kung minsan naman ay pagpasok ko sa kwarto ay tulog na tulog na ang nanay ko, nakataas kili kili at nakabuka ang bibig habang bukas ang TV(tsk tsk, sayang kuryente). manonood na ako ng TV habang katxt kung sino sino, hanggang sa makatulog na ako ng bandang 11pm-12-mn.

Araw araw ganyan ang ginagawa ko, bihira lang mabago ng konti.. hehehhe

Monday, April 14, 2008

Thank God!

Monday, April 14, 2008
April 14, 2008, paggising ko ay umuulan.. WOW... sarap ng feeling.. naging presko. nabasa ang mga semento namen sa labas at medyo nawala init. at hanggang ngayong oras (1:00pm) ay umuulan pa din.. sana magtuloy-tuloy hanggang bukas... May bagyo ata eh.. Nice, bagyo, summer. hehehehe


SUNOG!

Kahapon, habang nagbibingo kaming magpipinsan at habang tulog ang aking kapatid na si cori (walang kamalay-malay sa mga nangyayari), ay may napansin sila na makapal na usok, isang sunog. Sabi nila, sa facundo daw nangyayari ang sunog, si nanay(yung nangungubra ng jueteng), nagulat nang malaman sa Facundo ang sunog, dahil dun siya nakatira. Sa sobrang alala niya ay nagmadali siyang umalis. Ang nasunog ay yung dati na ring nasunog, noong New Year last last year, yung pagawaan ata ng plastik. Naki-usi kami ni daddy at pinuntahan namen ang nasusunog. Pati na ang katabi nitong bahay ay nadamay na din, at kitang kita namin kung paano lamunin ng apoy ang bahay. Ang may-ari ng bahay ay may ilang nasalbang gamit. Kawawa naman. Hindi naman ganun katagal ang sunog at isa lang ang nadamay na bahay.. Salamat sa Panginoon dahil isang bahay lang ang nadamay.


Friday, April 11, 2008

Ang init !!!!

Friday, April 11, 2008
Grabe na ang init dito sa Pilipinas.. Summer na summer na, parang ganito na kainit dati.. kapag humiga ka sa kama, mainit din, number 3 na ang electric fan pero pagpapawisan ka pa rin. Lahat electric fan dito mag-oover heat kasi mga walang pahinga. hehe.. Ngayong summer, hindi ka BELONG or hindi ka IN kapag hindi ka pinagpapawisan... Konting kilos mo lang pagpapawisan ka na agad. Kahit kaliligo mo pa lang, ay maliligo ka ule.... sa pawis.. EXAJJJJJJJ!!! hehehehhe... Ang aming temperature ngayon ayon kay Kuya Kim Atienza ay 36 degrees Celsius...

eto ang ilang picture ng compound namen.. tirik na tirik ang araw...





Grabe so init here in the Philippines.. buti pa yung iba dyan, tuwang tuwa sa snow... heheheheh

Wednesday, April 09, 2008

Look at my teeth

Wednesday, April 09, 2008
wow.. tlgang magaling ang braces. dati meron akong ngipin na hindi pantay. pero ngayon pag nag-smile ako, kita nakikita na yung ipin ko at pantay na silang lahat.. thanks to ate para sa aking braces at kay cori para sa pamasahe papuntang dentista.. hehehehe



BEFORE






AFTER



Friday, April 04, 2008

DIDIAN!!!!!

Friday, April 04, 2008
Si Lance Adrian M. Martin alyas DIDIAN ang pinaka-cute na baby sa aming compund. Kapatid siya ni Ate Amaye. Si Didian ay 1 taon na pero hanggang ngayon wala pa din ipin at hindi pa rin naglalakad. heheheh..

eto si didian!






eto pa si didian kasama naman ang ate niya...




diba ang sweet nila.. ang cute tignan....

Thursday, April 03, 2008

Goodbye Malubay!

Thursday, April 03, 2008

Ramiele Malubay is out... No more filipino contestant.. DAMN!!!

Wednesday, April 02, 2008

Halo Halo..

Wednesday, April 02, 2008
Miyerkules ng hapon ay sobrang init, kaya pagkauwi ng aking butihing ama ay nagpabili agad ako ng halo halo at pumayag naman siya.. heheheh, syempre pera niya.. pagkauwi niya sabi niya "Tange, isa lang binili ko ah. ang mahal eh.." kaya ayun, hati nalang kame.. ang sarap. dapat lang masarap, php35 to ah.. hehehe


BEFORE







AFTER



yan ang resulta ng tag-init, hindi tumatagal ang pagkaing malalamig. hehehe

Ang hirap ng walang financer. hahahaha

Tuesday, April 01, 2008

GRADE REPORT 2nd Semester

Tuesday, April 01, 2008
April 1, 2008 ay araw ng pagdidistribute ng mga grade sheets. pagdating ko ng Lyceum ay pumunta muna ako saglit sa chapel para magdasal para sa grades ko. pagkatapos ng ilang saglit na pagdadasal ay umakyat na ako sa 5th floor para kunin ang aking grade sheet. pag akyat ko may iba't ibang reaksyon ako ng mukha na nakita. may malungkot, may masaya, at yung iba deadma. hehehehe... binigay na sa akin ng prof ang grade sheet, at wow, maganda ang nkita kong grades.. pero asan ang anatomy? sabi ng kaibigan ko, "tol, walang anatomy dyan, pumunta ka kay sir, sasabihin lang niya ang grades." punta naman ako, at pag pasok ko nakatingin si sir. at pagsilip ko sa grade sheets niya. nakita ko surname ko at katabi nito ang grade ko.. DAMN!!! 83, which is 2.50, sobrang masaya na ako sa nakuha kong grade sa anatomy dahil hindi ganito ang ineexpect ko.. ang ineexpect ko maa-under probation ako kase below 80 ang grade ko.. pero hindi, above 80.. kaya Thank you Lord, dahil tinulungan niya ako makapasa.. hehehehe...



para mas malinaw.. eto ang mga grades ko..


FILIPINO 2.25

ENGLISH 2.00

MATH 2.25

PHILOSOPHY 2.00

RIZAL 2.00

PHYSICS 2.50

P.E. 1.00

ANATOMY 2.50



GPA: 2.05

Sa grade sheet ko hindi nakalagay ang anatomy dinagdag ko nalang.. hehehehehe...


Im so happy.. 2nd year na ako.. hehehehe


 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket