Monday, April 14, 2008

SUNOG!

Monday, April 14, 2008
Kahapon, habang nagbibingo kaming magpipinsan at habang tulog ang aking kapatid na si cori (walang kamalay-malay sa mga nangyayari), ay may napansin sila na makapal na usok, isang sunog. Sabi nila, sa facundo daw nangyayari ang sunog, si nanay(yung nangungubra ng jueteng), nagulat nang malaman sa Facundo ang sunog, dahil dun siya nakatira. Sa sobrang alala niya ay nagmadali siyang umalis. Ang nasunog ay yung dati na ring nasunog, noong New Year last last year, yung pagawaan ata ng plastik. Naki-usi kami ni daddy at pinuntahan namen ang nasusunog. Pati na ang katabi nitong bahay ay nadamay na din, at kitang kita namin kung paano lamunin ng apoy ang bahay. Ang may-ari ng bahay ay may ilang nasalbang gamit. Kawawa naman. Hindi naman ganun katagal ang sunog at isa lang ang nadamay na bahay.. Salamat sa Panginoon dahil isang bahay lang ang nadamay.


0 spike/s:

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket