Tuesday, April 29, 2008

De Leon - Gloria Family Presents, our Crib. :)

Tuesday, April 29, 2008
Eto ang munti naming tirahan. hindi ganoon malaki pero puno ng pagmamahalan at kasiyahan sa loob ng tahanan na ito. walang nag-aaway, walang nagkaka-inggitan, at walang siraan, lalo na wala ring laglagan. hehehe.. (drama ba?) Sa cute and simple(naks, parang autograph ah.. hehhe) house na ito, ay dito naninirahan ang pamilya De Leon - Gloria(well, wala ngayon ang mgA Gloria). Uumpisahan ko nang ipakilala ang aming sala, dahil pagpasok mo, eto na agad ang sasalubong sayo.


Eto ang aming sala, dito namin tinatanggap ang aming mga bisita at dito din ang kwarto ng aking butihing ama. hehehe.. dito siya nanonood ng TV(sya lgi gumagamit nun), at dito din sya natutulog. oh diba, sosyal, may sariling kwarto ang tatay ko, bulgar nga lang. heheheh.. Andito din nakalagay ang aming telepono. Yan ang aming sala.. Sige lang. wag kang mahiyang titigan. hehehehe



Sunod naman ang aming hapag-kainan. Dito nabubulgar lahat ng chismis, hehehe. malusog tong table na to, hindi lamang sa Chismis, kundi dahil bilang lang sa daliri ang hindi kami sabay-sabay kumain. heheh.. sa mdaling salita, puno ng pagmamahalan etong lamesang ito(naks) At isa pa, yung salamin sa lamesa namin ay matanda pa daw sa akin, palaging sinasabi sakin ni acoy(namayapa naming lola) nung bata pa ako ay, "Naku tange, magdahan dahan ka nga, at pag nabasag ay salamin, mas matanda pa sayo yan" syempre snsbe ko sa isip ko "yeah yeah alright"(yes english, papacheeseburger ako,hehe). Yan ang aming hapag-kainan.



Sunod na madadaanan mo ay ang aming banyo, eto ang favorite place ko kapag may sama ako ng loob, dito ako naglalabas. heheheh. Dito kami nagtatanggal ng dumi sa katawan namin. mga libags libags. hahahha.


Bago ka makapunta sa aming master's bedroom(yeah, may paganyan-ganyan pa), ay mauunang madaanan ang dating kwarto ng lola kong si Acoy(Rest In Peace) na ngayon ay medyo pagmamay-ari na ni cori at daddy. Dahil dito namamalantsa ang aming ama, at dito naman nagbibihis si cori, minsan dito humihiga si cori, ako medyo kaya ko na yun. heheheh. Dito din nakatambak ang mga bagong labang damit. sabi nga ni Ama, malaking tulong daw ang may libre nang kwarto dahil, medyo lumuwag na daw ang bahay. hehehe..




Bago ka makapunta sa final pit stop, ay makikita mo ang newly improved na kwarto ni cori. IMPERNESSSSSSS, isang buwan nang malinis ito. wala pang nuno sa punsong mga damit na natatambak. at nakakahiga na akong hindi sinisipon, o kaya'y hinihika. oh dba, newly improved talaga. hehehe. palagi ngang tinatanong ni dudong(pinsan namin sa mother side), "ano tange? wala pa bang agiw sa kwarto ni cori" hehehe.. sa kabutihang palad, wala pa talaga. Ang dating magulong computer table ay organize na, ang lampara sa tabi ng PC na dati ay punong puno ng mga USB cable na nakaikot, ngayon ay malaya na ang lampara, wala nang nakapulupot sa kanya. ang mga aparador ay malinis na. nawalan na ng tirahan ang mga daga at ipis, dahil malinis na ito. hehehehe.. Palakpakan nyo naman si cori.., hehe


at eto ang kwarto namen ni mommy. hehehe.. dati nung andto pa si sophia, kanya tong kwarto na to kse hanggang 9pm nanonood sya ng dora, at yung si mommy, sa labas nanonood. hahaha, tiklop sa apo. dito ako madalas nanonood ng charmed at ng TV. palagi itong malinis, at kapag hindi ito malinis, ay lagot kami ni mommy sa mga alikabok. hihikain na kame.. hehe

eto ang aming munti at masayang tahanan. :)

3 spike/s:

GARET said...

naks, parang Urban Zone.. Tour sa house. Yung room nimoyie, wala pa rin pintura. Sabi na nga ba e... hehehe

Feelingerong Oppa said...

hehehe.. wala pa atang time.. naks time.. hehe

Cori said...

si tange talaga.. nabuking tuloy ako.. sabi nga sa blog ko.. HOT PINk soon to follow... malapit na po.. antay lang... :)

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket