Thursday, July 17, 2008

Goodbye Puregold..

Thursday, July 17, 2008
Kanina, maaga akong nag-ayos para sa school, kasi pinapapunta kami ng President ng Nightingale ng maaga para ayusin ang surprise para sa Dean namin(birthday niya kasi), syempre, officer ako ng buong College Of Nursing(WELL.. Iba na... hehe). Asar na asar ako. Ang sarap kaya matulog, wala naman akong nagawa. Umalis ako sa bahay ng 9am.

Habang nasa jeep ako. Nagtataka ako kung bakit sinasabi ng Manong Driver na
"Ano ba yan, ang daming sinarang daan. Ang gusto pa nila, sa Buendia kami iikot, sayang ang Diesel". Ako naman, nagtataka, ano bang pinagsasabi nito ni Manong. Maya-maya sinabi ni Manong Driver, "Yung mga LRT po, dito nalang, hindi na tayo makakadaan dun." Ako naman ulit, "HUH? bakit kaya.. anong meron? may Parada ba?"

Bumaba na ako. Medyo malapit na din naman sa LRT kaya okay lang. Habang naglalakad ako, "Anong meron? bat ang daming tao.?". Hanggang sa nakita ko nalang ang isang malaking usok. "HALA! Sunong!". Ang daming "USI". Lahat nakatingala, at ako naman, tingala din. Sa Puregold nanggagaling ang usok. Deadma nalang ako, kasi kailangan ko nang pumunta sa school, magagalit na si madam president. Pagdating ko sa LRT station, Libertad. Tinanong ko sa Manong, "manong, ayos ba ang LRT?". Sbe ni Manong "Hindi, hindi, sa Buendia kayo sumakay ng LRT". At bigla akong inalok ng tricycle, sampung piso daw isang tao hanggang Buedia. Sa isip isip ko "SAMPU? NYAY!!!". Sumakay na ako, wala nang choice.

Pagdating ko sa Buendia, sinabi sa akin ng babae guard "sa kabila kayo sumakay". Eh walang tawiran, akyat pa ako ng overpass, kapagod ah. Pagdating ko sa kabila, parang may Rally, nagkukumpulan ang tao. Lahat nasa isang side lang ng station, at sobrang siksikan na. talo-talo na.. Makikisiksik na ako. Ang tagal dumating ng tren,, punong-puno na ang Buendia Station, mabuti nalang, hanggang Buendia lang ang LRT kanina at pagdating sa amin, wala nang laman ang tren, makakaupo ako..

Ang resulta, nakapunta naman ako ng LPU ng maayos, wasted nga lang agad.. Pero naging thankful pa ako sa President kasi, kung hindi niya kami pinapunta ng maaga kanina, ay dapat gigising ako ng 10am, mag-aayos ng 10:30am, at aalis sa bahay ng 11am(12:30 kasi pasok ko) at male-late ako sa major subject ko. Patay ako nun.. :)


P.S.
Kanina pauwe ako, pagbaba ko ng Libertad Station(tama, naayos na ang LRT), ang daming bumbero, At may usok pa din ang Puregold.. Naisip ko nalang, "Haayyy, wala nang puregold(As if namang, affected ako. hehe)". Pero ang chismis sken ng classmate ko, sinadya daw yun, para sa insurance, at para mabuksan na ang katapat nitong mall, ang "Pasay City Mall".. Dapat lang buksan na nila yun, katagal tagal na nun ah, at ngayon, hindi pa din siya mukhang ayos.. :)


Kapagod ang araw na ito...


♥ Gandang Gabi.. ♥



2 spike/s:

GARET said...

ayan nalaman ko na ang kwento. sayang mura pa naman sa puregold! :(

Feelingerong Oppa said...

hehehe,, mura nga, saksakan naman ng daming tao. hehe

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket