Anyway, konti lang ang nakain ng Ate ko, at sa akin na ang mga natira. At naubos ko lahat. After 30 minutes, nakakaramdam ako pangangati sa ilong. Hanggang sa sinipon na ako, at hindi na makahinga. Akala ko hinihika lang ako, kaya nag-inhaler ako, eh hindi tumalab, punta na ako kela Ate at Cori. Pag kakita nila sa akin, nagulat sila, bakit daw ganun itsura ko. Eh ako, hindi ko alam kung ano na nangyari sa itsura ko. Gosh, pagharap ko sa salamin, nakakatakot nga. Magang-maga mata ko, at ang ilong ko lumaki(na para bang may jolen sa ilong).
Nag-nebulizer na ako, kasi talagang hindi na ako makahinga. Sinugod na ako ni Cori sa San Juan De Dios. Habang nasa Tricycle kami, ang ilong ko sobranng barado na, wala nang pumapasok na hangin, at buti nalang nag-nebulizer ako at medyo lumuwag pahinga ko, dahil sa bibig nalang ako humihinga. Pagdating sa Emergency Room, may nagtanong ba naman, kung ganito ba daw talaga ang ilong ko.. HELLOOO!!!!! kaya nga ako sinugod sa ospital kasi nag-iba itsura ko at hindi na ako makahinga. DUH!!
At ayun, ginamot na ako, at dahil sa napakadaming kwek kwek na kinain ko, na-deform ang mukha ko. hehe
LESSON: Wag na masyado kakain ng itlog..

3 spike/s:
hahaha!!!! ganyang ganyan!
kasi hindi talaga mabuti ang KWEK-kwek sa buhay ng tao. gets?
nakakatawa kaya itsura mo.. hahahahaha!
hahaha.. korek
pero nung time na yun, hnd ko talag napansin mukha ko. haha
Post a Comment