Sunday, July 06, 2008

Wag masyado sa Kwek Kwek....

Sunday, July 06, 2008
Naalala ko dati, patay na patay ako sa kwek-kwek. Isang araw, pag-uwi ko galing school, bumili na ako ng php20 na kwek kwek. Madami-dami na din yun. Maya-maya biglang naisipan mag-merienda ng Ate ko, kwek kwek nalang din daw. Nagbigay siya ng php50, at ibili ko daw 'to ng kwek kwek. Syempre ako, GO!!! ang sarap nun. Inubos ko ang php50 sa kwek kwek, so ilan yun?

Anyway, konti lang ang nakain ng Ate ko, at sa akin na ang mga natira. At naubos ko lahat. After 30 minutes, nakakaramdam ako pangangati sa ilong. Hanggang sa sinipon na ako, at hindi na makahinga. Akala ko hinihika lang ako, kaya nag-inhaler ako, eh hindi tumalab, punta na ako kela Ate at Cori. Pag kakita nila sa akin, nagulat sila, bakit daw ganun itsura ko. Eh ako, hindi ko alam kung ano na nangyari sa itsura ko. Gosh, pagharap ko sa salamin, nakakatakot nga. Magang-maga mata ko, at ang ilong ko lumaki(na para bang may jolen sa ilong).

I-imagine niyo nalang, ganito naging mukha ko..



Nag-nebulizer na ako, kasi talagang hindi na ako makahinga. Sinugod na ako ni Cori sa San Juan De Dios. Habang nasa Tricycle kami, ang ilong ko sobranng barado na, wala nang pumapasok na hangin, at buti nalang nag-nebulizer ako at medyo lumuwag pahinga ko, dahil sa bibig nalang ako humihinga.
Pagdating sa Emergency Room, may nagtanong ba naman, kung ganito ba daw talaga ang ilong ko.. HELLOOO!!!!! kaya nga ako sinugod sa ospital kasi nag-iba itsura ko at hindi na ako makahinga. DUH!!

At ayun, ginamot na ako, at dahil sa napakadaming kwek kwek na kinain ko, na-deform ang mukha ko. hehe


LESSON: Wag na masyado kakain ng itlog..


3 spike/s:

Cori said...

hahaha!!!! ganyang ganyan!

GARET said...

kasi hindi talaga mabuti ang KWEK-kwek sa buhay ng tao. gets?
nakakatawa kaya itsura mo.. hahahahaha!

Feelingerong Oppa said...

hahaha.. korek

pero nung time na yun, hnd ko talag napansin mukha ko. haha

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket