Friday, April 18, 2008

Glorietta

Friday, April 18, 2008
April 18, 2008, nagpunta kami ng kapatid kong si cori sa Glorietta.. teka sandali? anong lugar to? wow.. its been a while, bago ako ule nakapunta dito.. para na akong taga-probinsya na hindi na alam itsura ng glorietta. Nagpasama si cori na bumili ng USB para sa office niya, eh nakalimutan naman hingin yung pera sa boss niya, kaya hindi na kami nakabili. Ang ginawa nalang namin at nag-ikot ikot nalang sa glo. Gutom na gutom na us, kaya kumaen muna kami sa Mcdo, nilibre ako ng kapatid ko syempre, hehehehe. Pruweba ng panlilibre niya, eto ang mga pagkain namen.


Hindi lahat ng rice na yan akin ah. yung isa diyan kay Cori. hehehe


Eto ang After namen kumaen, parang dinaan ng bagyo. hehehe



Pagkatapos namen kumaen ay nag-ikot ikot kami. Naisipan naming dumaan sa Havaianas para tumingin, wala lang, naglaway lang naman kami sa mga nakita namen, ang gaganda shet. hehehehe. Habang naglalakad kaming papuntang havaianas ay napadaan kami sa shakeys, nakita namin ang malaking picture ni Carillo, player siya ng Lyceum, picture picture. nakakahiya sa una, pero go na.. para sa blog ko. hehehehe


Pagkatapos dumaan sa havaianas ay nag-ikot ikot ule, may nakita kaming bagong bukas na store, sa tapat nung kodak, may bagong store, pinalitan niya yung dating bilihan ng mga CD. Kung san san kami dumaan, medyo madaming tao kaya kung sino sino nabangga namen. Habang naglalakad, ang kapatid ko talagang tumatanda na, OLDIES TIMESSSS.... pagod na agad.. galing daw siyang office kaya pagod na agad.. asus.. excuses... anyway, ayun umuwe na kami, sumakay sa jeep ng pasay road sa unahan, at dun nagchismisan.. hehehehe...



I miss glorietta.. heheheh




1 spike/s:

Cori said...

Para na kaming turista sa glorietta! haha... :)

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket