Wednesday, April 16, 2008

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos...

Wednesday, April 16, 2008
Sa mga nakalipas na araw, paulit ulit nalang ang ginagawa ko dito sa bahay. parang De Javu,, EXAJJJJJ!!!!! Magigising ako ng 8am, dahil sa malakas na pabango ng aking inay, yun na ang nagiging wake up call ko. pagkagising ko, dito na nagsisimula ang araw araw na routine ko sa bahay.


Una ay bubuksan ko ang TV ililipat, sa AXN channel 49 at manonood ng Amazing Race, eto yung season 12 ata, yung nanalo si TK and Rachel. Anyway, pag natapos ko na ang pinapanood ko sa TV, ano pa nga ba next? Syempre, direcho na ako sa kwarto ni Cori, sabay bukas ng PC, Inernet(slang) na ako, hanggang sa magyaya nang kumaen ang tatay ko ng mga bandang 11:45am. Then kapag ang aking ama ay nagyaya nang kumaen, uutusan na niya akong initin ang ulam. Anong ulam namen? Malamang replay ng ulam kagabi. Then, maghahain na ako, then, kakain na kami, at pag tapos na kaming dalawa kumain, ililigpit ko na habang nanonood kaming dalawa ng tatay ko ng game ka na ba. BANG BANG WHOA, hehehhee..At pagtapos ko nang iligpit at hugasan ang mga pinagkainan, at pag tapos ko nang punasan ang lamesa, eto na,, Manonood na ako ng DVD...

Ang pinapanood kong DVD araw araw ay Charmed. Favorite season ko season 6 kung saan andun si Chris, at season 4 kung saan nabuo ulet ang Charmed. Pinakamagandang part parin para sakin sa lahat ng episodes ng charmed tuwing ginagamit nila powers nila at pumapatay ng demon... ENERGY BALL... hehhee... at habang nanonood ako nito ay binibilhan nalang ako ng aking ama ng halo-halo, aaaww. hehehe... Nag uumpisa ako manood nito mga 1:00pm at natatapos ng 5:00pm, oh kung minsan medyo mga 4:30 kapag nakakarinig na ako ng bingo. o kaya kapag may kalaro na ako ng volleyball...

Pag natapos na ako manood, mayroon detour dito, mamimili ako kung magbibingo ako or kung maglalaro ako ng volleyball kasama si erika.

Tuwing nagbibingo ako ay palagi akong nanalo, bumibingo ng isa hanggang dalawang beses at mananalo na ako kase ang card ko ay dalawang piso lang compare sa mga kalaban ko, hindi bababa ng tatlong piso ang mga card nila, ka-level ko lang si mama puring, kaming dalawa lang ang dalawang piso ang card. heheheh... at kapag nakabingo na ako, at meron na akong buong perang papel na nasilid, uubusin ko nalang mga tig-pipiso kong barya at sabay aayaw na ako.. hahaha silidonyo.. Kanya kanyang technique lang yan, kung paano makakapag-ipon. hehehhe, ginagawa kong hanap-buhay ang bingo. hehehe

Kung hindi man ako nagbibingo, naglalaro kami sa labas ng volleyball ni erika, kung minsan kasali si dadang, mas pinipili kase ni dadang ang bingo, eh si erika mas pinipili ang volleyball. hehehhe, ayun,, laro laro lang kami ni erika, si erika ang bata pa adik na agad sa volleyball, makikita mo nalang yan kalaro pader, kase nakikita nya nanonood ako ng DVD, nahihiya atang yayain ako maglaro.. hehehhehe

Tuwing Wednesday at Thursday, ang paglalaro ng bingo at paglalaro ng Volleyball ay dinedeadma ko dahil pagkatapos kong manood ng charmed ay mas importante sa akin ang panonood ng American Idol. Go Carly.. hehhehe,., Kahit natanggal na ang pambato ng pinoy na si Ramiele Malubay ay adik pa rin kami sa A.I. Kapag si Carly at David Archuleta na ang kumakanta ay talagang nakikinig ako. at pagdating ng Thursday, results night na ng american idol, sana hindi shocking ang maging results, kagaya ng nangyari kay Michael Johns.

At pagtapos na kaming manood ng American Idol ay kakain na kami at magkekwentuhan ng kung anu-ano, si cori magkekwento tungkol sa pagkain niya sa kanyang Opisina at kung paano itago ng mga katrabaho niya ang mga pagkain doon. hehehehe, Si mommy, ewan ko, kung anu-ano kinekwento, si Daddy nagkekwento tungkol sa U.A.(United Artist) hehehehe.. joke lang. Kung anu-ano din ang kinekwento niya, at ang inyong lingkod, ako, ay isang tagapakinig lang. hehehhee.. pag tapos na kaming kumaen ay babagalan ko ang galaw baka sakaling dumating si Ate weng at makalibre ule ako ng hugasan. hahahah...

pagkatapos kumaen si cori ay didirecho na sa PC at ako ay maguumpisa nang magreport ng kung anu-anong chismis na nangyari sa buong araw. heheheheh, Pag tapos na gumamit si cori ng PC ako na ule ang gagamit. at maya maya matutulog na kapatid ko at ako papatayin ko na ang PC at pupunta na ako sa kwarto upang manood ng PBB. Minsan pag pasok ko, nanonood pa si mommy kaya wala akong magawa, pero maya maya ay ibibigay na niya ang remote, pero kung minsan naman ay pagpasok ko sa kwarto ay tulog na tulog na ang nanay ko, nakataas kili kili at nakabuka ang bibig habang bukas ang TV(tsk tsk, sayang kuryente). manonood na ako ng TV habang katxt kung sino sino, hanggang sa makatulog na ako ng bandang 11pm-12-mn.

Araw araw ganyan ang ginagawa ko, bihira lang mabago ng konti.. hehehhe

4 spike/s:

GARET said...

gusto mong lumaban sa akin? sa gaano paulit-ulut ginagawa? hahahaha

Cori said...

so.. ? yan na yun? parang nahihirapan ka pa sa ginagawa mo ha... Halerrr! ang sarap ng buhay mo boy!!!

GARET said...

hahaha!!! oo nga naman.. taniel, prang na pe pressure ka pa nyan..

Feelingerong Oppa said...

ang hirap kaya ng higa ka ng higa.. nakakapagod.. hehehehhee

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket