Friday, July 11, 2008

COMMON...

Friday, July 11, 2008
Sa isang pamilya, hindi maiiwasan ang mayroon kang mamana(inherit) na ugali. Kagaya nalang sa akin. Mayroon akong ugali o nakasanayan nang gawin na ginagawa din ng isa sa aming pamilya.

Una - Ang tatay ko, mayroong siyang malaking tenga, ngunit mahina ang pandinig. Na kung saan kaming tatlong magkakapatid ay namana ito. At ako, ang nag-iisang nakamana ng isa sa ugali ng tatay ko, ang pagiging.......BULOL!!!

Madalas sa tuwing ako ay magsasalita, hindi ko namamalayan na ang bilis ko palang magsalita at ang kausap ko ay hindi na ako maintidihan. Ewan ko ba, sa tingin ko naman maayos ang pagkaka-deliver ko ng words. Minsan kasi, alam ko na ang sasabihin ko, pero pag ide-deliver ko na ito sa kausap ko, bigla nalang umiikot ang dila ko. Haaayyy,, sa dami dami ng mamana, ang pagiging BULOL pa.. hehe

Pangalawa - Si daddy, si Ate, at si Cori, ay nabiyayaan ng magandang penmanship. Samantalang, ang aking mahal na Ina, ay absent nang nagbigay si Lord ng kagandahan ng penmanship sa lahat ng tao. At yun naman ang namana ko sa kanya.. Tignan niyo na lamag itong picture na ito

Lamang lang ng kaunti ang nanay ko sa pagandahan ng sulat. hehe



Pangatlo - Tuwing kumakain ka ng manok, tapos favorite part mo ang chicken skin, kelan mo 'to kakainin, unang-una ba, or huli? Ako kasi, huling huli ko 'to kinakain, at pareho kami ni Ate, "Save The Best For Last" ang lagi naming sinasabi. hehehe. At isa pa, ang pagiging OC-OC(Obsessive-Compulsive). :)

Pang-apat - Isang beses, habang naliligo ako, hirap na hirap akong buksan ang isang sachet ng shampoo namin, sobrang sakit na ng kamay ko bago ko pa ito mabuksan. Nakita ko ang pang-ahit ng kilay sa banyo, at yun na ang ginagamit ko every time na mahihirapan akong magbukas ng shampoo. Isang araw, natanong ko kay Cori...

Tange:
Cori, pag nahihirapan kang buksan ang shampoo, anong ginagawa mo?
Cori:
Ginagamit ko yung pang-ahit ng kilay.

Ang galing, pareho kami ng ginagawa. hehe

Meron pang isa, Pano ang way namin ni Cori ng pag-flash sa CR habang kami ay.....jumejebs. Simple lang, gagamitin ang siko pang-flash ng toilet.. hahaha.. kakaaliw..




Baka kayo ng pamilya mo, may pagkaka-preho din kayo. hehehe



~0O0~


Have a great weekend...





4 spike/s:

GARET said...

madalas ka bang makulong sa banyo? :)

Cori said...

ako ate... ilang beses ng nakulong sa banyo... hahaha! ako nasa loob ako ang kumakatok!

Nge, ang panget nga ng sulat mo tlaga!

GARET said...

hahaha...ako nga yata lahat ng pinto nakukulong ako eh. hehehe

Feelingerong Oppa said...

yun lang. hnd pa ako nakukulong sa banyo.. at wag naman sana.. hehehe

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket