Tuesday, May 13, 2008

Lakwatsa, May 13, 2008

Tuesday, May 13, 2008
Ngayon araw na ito, halos buong araw ako wala sa bahay. Kasama ko ang dalawa kong best friend, pumunta kaming Assumption College, para manood ng laban ng mga Pio del Pilar team(boys) vs A.C. Team. Syempre panalo ang boys, malalakas eh. hehe.. Grabe, nakakapagod umupo. hehehe.. Nanonood lang kami ni Adrian sa gilid at nag-chicheer. Syempre, hindi maiiwasan sa game ang may masapul sa mukha. Ang pinaka-high lights ng game ay nung matamaan ng bola si Kriza sa NOO.. at not once, but twice(nice parang Susan Roces lang ah). Grabe, tuwang tuwa kami ni adrian at sa sobrang tuwa namin, binigyan namin ng standing ovation ang pangyayari iyon.. At naawa kami sa bola, dahil sa dami dami ng tatamaan niya, bakit sa malapad na noo pa ni Kriza(peace tayo cha). Siguro kung nakakapagsalita lang ang bola, sasabihin kay Kriza nun. "Ako na nga tumama sa noo mo, ako na nga ang nasaktan, ikaw pa galit". hehehehe... At grabe, nakita namin ang training nila, hindi ko ata kakayanin yun, baka hikain ako kapag ganun ang ginawa kong training. :)


At after ng game nila cha, hindi na nakasama si kriza sa amin pauwe, kasi daw magboblow out daw yung Team Captain nila. Kaya ayun, kami ang kasama ng team Pio. Habang naglalakad kami papuntang sakayan, naisipan namin dumiretso ni Adrian sa glorietta, upang magpalamig. Ayun, nagikot-ikot ng wala namang pupuntahan. At bandang huli, kumain nalang kami sa Mcdo. hehehe.. At pagkauwe ko, sa kadahilanang hindi ako satisfied sa kinain ko, kumain nalang ulet ako dito sa bahay., Masarap ulam namin eh.


Wala lang, share ko lang.. :)


0 spike/s:

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket