Tuesday, May 27, 2008

Lakwatsa - May 27, 2008

Tuesday, May 27, 2008
Syempre, punta kela Kriza para magharutan. Medyo matagal tagal din bago namin makita ang isa't isa. heheh.. Nabuhay lang kami sa text.. Salamat at may UNLI na ang globe, at globe na si Kriza. khit papano, meron kaming communication magkakaibigan.(aaww...)

Umalis kami agad sa bahay nila Kriza, kasi may training pa siya sa A.C. So ang naisipan nalang namin gawin ni Adrian, kumain ng kumain(Libre daw niya isa kong pagkain.. naks yaman.) at pumunta kung saan saan.

Pagkatapos kumain sa Karinderya. pagkatapos kumain ng fish ball, pagkatapos kumain ng ice cream. Sinabi sa akin ni Adrian, punta daw kami sa isang park. Sige na nga. Punta na kami, since matagal na niyang sinasabi sa akin ito. Lakad kami, damn ang layo ah. Jinabar kili-kili ko(hindi naman halata). Pagdating namin, nakita ko na ang pinagmamalaki niyang park.. Well maganda nga. Mas maganda sa inaakala ko. Madaming puno, may pond pa(balak ko ngang mag-swimming eh, kasama ang mga ducks). Pero bago ko ma-appreciate ang ganda ng "park", una kong hinanap ang C.R., talagang naiihi na ako. Takbo sa C.R., masama ang tingin ni manong guard, bawal pala magulo dun. Anong magagawa ko, puputok na pantog ko. Well, after sa C.R. unti-unti ko nang na-appreciate ng ganda niya. Tahimik siya, kahit nasa gitna ng Ayala at nang maiingay na sasakyan.

Syempre, hindi palalampasin ang pagkakataon na magpicture-picture kami.




Salamat dito at nawala sakit ng Urinary Bladder ko..









Quack Quack!








hhmm.. ano kaya to? parang ano eh......






Uwian na!!!

P.S.
Salamat kay Adrian sa pagtulong sakin kumuha ng mga pictures,. :-)




diba maganda..? Ako nagandahan.. Ewan ko nalang sa standards niyo.. hehehe

0 spike/s:

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket