Friday, May 23, 2008

Ano Daw?

Friday, May 23, 2008
Last Year, balak namin manood ng ate kong si Cori ng Shrek 3, ayaw na namin pumunta ng Glorietta para lamang manood ng sine, kasi ang balak namin, pagkanood ng sine, uwe na agad. Naisip namin ang Waltermart, pero hindi namin alam kung magkano ang entrance sa sinehan, at hindi namin makita sa internet kung magkano. So.. ang ginawa ko, nagtanong ako kay Adrian(best friend kong taga makati na malapit sa Waltermart) kung magkano ang entrance sa Waltermart.. Ganito ang naging usapan namin sa text..

Tange(me): Hoy Adrian, manonood kami ng Shrek sa Waltermart eh, Magkano ba entrance dun?

Adrian: Huh? Wala namang entrance sa Waltermart eh, kakapkapan ka lang ng naman guard, tapos pwede ka nang pumasok.

Nice, ang gandang sagot. Seryoso pala siya dito, malay daw ba niya kung anong entrance ang sinasabi ko. Halatang hindi nagbabasa ng text, kakasabi ko lang manonood kaming sine. hehehe..



***


Last Year din, nagbabalak kaming sumama sa isang party pero kasama ang mga crushes namin. Eto naging usapan namin sa text.

Tange: Ad, sino mga kasama?

Adrian: Kasama si ganito, si ganyan(mga crush namin). Nge, What are the ODDS of that?

Huh? hindi ko maintindihan, ano bang meaning ng odd? Sinagot ko siya ng wala din sa hulog, sinabi ko nalang..

Tange: Wala lang, basta act normal nalang tayo... Deadma nalang

Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko, tapos, si adrian din pala, hindi din alam ang meaning ng Odd, Grabe, magamit lang ang word.. haha



***


Kelan lang, may tune-up game si Kriza sa interbarangay. Pinasama kami ni Kriza para manood ng Volleyball game niya. Ang problema lang, hindi kami pwedeng sumabay sa sasakyan ng team nila kasi puno na. At buti nalang talaga hindi kami nakasakay kasi, yung ginamit nilang sasakyan ay yung ginagamit para hulihin ang mga nahuli sa barangay. hehehe.. Then, ang ginawa nalang namin, taxi nalang kami.. Ganito ang naging usapan.

Adrian & Tange: Sige cha, taxi nalang kami.. Anong sasabihin namin kay Manong Driver?

Nagtanong si Cha sa ka-team niya. Then, bumalik sa amin.

Kriza: Sabihin niyo daw sa manong taxi driver sa Magallanes Gym, sa loob ng DasmariƱas Village.

Nagtaka kami ni Adrian, kung pano napunta ang Magallanes Gym sa loob ng Dasma Village... Deadma nalang kami kasi baka nga may ganun..

Nakarating na kami sa Dasma Village, at sinalubong kami ni Manong Guard.

Guard: San po kayo? (sabi kay manong driver)

Taxi Driver: Sa Magallanes Gym po..

Nagtaka ang Guard, kung meron bang Magallanes Gym sa loob ng Village nila..

Guard: Wala pong Magallanes Gym dito. Ang meron po dito Dasma Gym.. Dun po yun sa Magallanes Village.

Hala, sayang pamasahe, buti nalang mabait si manong driver. Galit na galit ang kapatid ni Kriza dahil, ang talino daw magbigay ng instructions... Well, hindi namin masisi, kasi talagang ang gulo naman talaga magbigay ng instructions yun, lalo na sa daan.


***

Nung 3rd year kami, madalas kaming pumunta sa bahay nila Kriza(hanggang ngayon naman eh). Syempre hindi maiiwasan magutom. Si Adrian, talagang nagke-crave sa Putok(tinapay yun ah) kaya naisipan nalang namin na bumili ng tinapay at 1.5 litro ng coke. At habang bumibili kami sa bakery na puro insecure na tindera kay Kriza.. Eto ang nangyari..

Kriza: pabili po nito, at ng isang 1.5litro ng coke.

At habang nabili na lahat. Turn na ni Adrian para bumili ng gusto niyang tinapay.

Adrian: Excuse me, ale. May PUTOK po kayo?

Hindi napigilan ng tindera na sumimangot. At kami ni Kriza sa likod, tawa kami ng tawa. Habang si Adrian, hindi pa alam kung bakit kami tumatawa.

Tindera: Wala! UBOS NA!!!

Si adrian kasi, pinikon yung tindera, ayan. ubos na tuloy...


***


First Year ako nung mangyari ito, kinabukasan kasal ni Ate. Galing kaming New World Hotel at papuntang Greenbelt. Habang nasa Greenbelt kami, may mga lalaking mukhang models na nakahanay at parang guard na naka-Black na damit, at sa likod ng damit nila, nakalagay, Louis Vuitton. Habang naglalakad kami, hindi ko na napigilan itanong kay Cori. Eto ang Usapan..

Tange: Cori, ano ba tong mga LUWIS VUITITON na to? bat ang dami nila.

Nagtaka ako, kung bakit, tawa na ng tawa si Cori, hanggang sa narinig ni Tita Vangie at Mommy ang tawa ni Cori. Syempre tinanong.

Tita Vangie: Cori, bakit ka tumatawa?

Kinwento ni Cori ang nangyari... Hanggang sa tumawa na ng tumawa sila mommy and tita Vangie and Cori. At ako, hindi ko pa din alam kung bakit nagtatawanan tong mga to. Hanggang sa ine-explain na sa akin Cori ang tamang Pronunciation ng Louis Vutton. Ayun, natawa nalang ako sa kahihiyan. Meron palang opening ay Louis Vuitton dun kaya ang daming lalakeng bantay.

Hello, anong malay ko dun. I'm 13 years old, at puro Ragnarok ang alam ko. Malay ko ba sa mga pronunciation ng mga pangalan ng designers.

Then, umuwe si Patrick(anak ni maninay. hehe). Bumili siya ng Class A na cap ng Louis Vuitton sa Greenhills. At habang nasa Van kami, sinabi sa akin ni Patrick. "This is LUWIS VUITITON". Nagulat nalang ako, natawa sa narinig... Nakakahiya un, shet. heheheh..

5 spike/s:

GARET said...

im perness.. nakakatawa tong blog entry na to ha.. the best yung PUTOK!!! hahahaha.
hindi ko kasi alam kung ano yun e. sa yo ko lang nalaman!!! bwahahaha!!
beterano tong si adrian.

Feelingerong Oppa said...

hahaha... iba level ni adrian.. hindi niya alam nakakatawa mga banat niya. hehehe

Feelingerong Oppa said...

http://img151.imageshack.us/
img151/5971/image156bw2.jpg

eto ung putok oh.. hehe


P.S.
pagsama-samahin ang mga URL para makita ang pic.. :)

Cori said...

eto kelan lang nangyari sa kin.. sa work, tinanong ko yung VIP.. sabi niya "Cori, lagyan mo din egg ha.." Sir, ano po gusto niyo sa itlog niyo? Sunny side up or Scrambled? Hahahaha! Na-realize ko na lang after ko sinabi yun na ampangit pala pakinggan... hahaha!

GARET said...

bwahahaha! buti hindi ka sinagot kung ano gusto nya sa itlog nya...

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket