Thursday, May 29, 2008

Blogging is Fun!

Thursday, May 29, 2008
Nung andito pa sila ate, palagi niyang sinasabi sa akin, "tange, bat di ka pa kasi gumawa ng blog? masaya kaya.", palagi kong sinasagot, "meron na akong blog, hindi ko lang ginagamit". Pero ang totoo, tinatamad akong gumawa. Ano naman ang ilalagay ko dun? Pero nung time na umalis sila patungong Sweden, naisipan kong gumawa na ng blog. Nagbabakasakali ako, masaya nga ang blog.. Well, hindi ako nagkakamali, hindi din nagkakamali ang mga ate ko. Masaya nga. Madami ka kasing pwedeng gawin sa blog, lalo na kapag sa blogger. Kasi sa friendster ang konti ng pwede mong gawin, limited pa ang pictures mo sa 50. Eh dito sa blogger, pwede kang mag-upload ng videos gamit ang blogger. Pwede mong pagandahin ang background mo(hindi ko lang mapaganda yung akin kasi pag inayos ko na naman, mawawala ang mga layout, kay tiis muna dyan...) at nae-express mo ang feeling mo through blogging.

At madami din natulong sa amin ang pagbo-blog. Updated kami sa mga nangyayari sa each other. Especially kela ate. Mas nagagamit pa nga namin ang blog, kesa sa Yahoo Messenger eh. Nakekwento dito ang nangyayari sa kanila dun sa Sweden. Sa mga kakulitan at katalinuhan ni Sophia, sa mga bagong damit ni ate, etc etc. At parang nakakapag-usap na din kami sa tulong ng mga comments after each blog.

Everyday, nag-iisip na ako kung anong maganda ilagay sa blog. At halos lahat ng makita mong interesting, kukunan mo na agad ng picture. Kagaya nalang nung pumunta kaming park ni Adrian, halos mag-lowbat na ang cellphone ko, kakakuha ng pictures. Well, hindi mo ako masisisi, "certified blogger na ako eh.." hehehehe

So yung ibang wala pang blog dyan.. gawa na kayo. promise, masaya to.

2 spike/s:

GARET said...

lalo na kapag alam mong may nagbabasa din pala ng mga blog entries mo...

Feelingerong Oppa said...

kaya nga eh. kakatuwa, may nakaka-appreciate na ibang tao.. pano mo nalamang nababasa nila blog ko?

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket