Monday, May 12, 2008

Evolution of Cellphones(Tange's Version)

Monday, May 12, 2008
Eto ang sarili kong version na nakuha kong idea kay ate. Nagyon, makikita mo ang mga dumaang cellphone sa kamay ko(dumaan, hindi binili, dahil majority dyan ay umikot lang).. Iba dyan nawala(nanakaw). Grade 4 ako nung una akong magkaroon ng Cellphone kahit. Wala akong katext, sige lang. kalikot lang ng cellphone. :)


Let's Start



S868
{(From ate >> cori >> mommy >> tange(me)}
Ang panganay kong cellphone, nung grade 4 ako, nalaglag to sa tricycle at grabe ang iyak ko, sa kabutihang palad isinauli naman ng driver yung cellphone ko kay Tita Pek(Uncle Toto's wife). Hindi ko alam kung talagang honest siya or kung hindi niya type tong cellphone ko(huy, nung panahon ko naman, sikat ako, kase maganda tong cellphone ko..)


Nokia 3210
(from ate >> cori >> tange)
Ang pangalawa sa panganay kong cellphone, syempre sikat ule ako nung grade 5, kase ang ganda ng cellphone ko, kahit mabigat at sira sira keypad. hehehe.




Nokia 6150
(From ate >> mommy >> tange)
Ang maarteng cellphone, kailangan ng screw driver(yung maliit) para mapalitan ng housing kase may mga turnilyo pa.. Huy, eto ang una kong cellphone na may infrared. hehe





Nokia 3315
(From cori >> tange)
Actually dati siyang 3310, pina-upgrade ni cori, kaya naging 3315(picture message maker lang naman pagkakaiba nilang dalawa). Ang unang nawala kong cellphone, kasi iniwan ko lang sa bintana ng kwarto buong araw, at pag-uwe ko galing school, wala na siya. Diba, sa kwarto namen, nawawalan(matindi yung nagnakaw nun).


Nokia 3530
(From cori >> Tange)
Ang una kong colored na cellphone. Lakpas isang taon sakin tong cellphone na to, nabuhay ng isang linggong lowbat at 2 buwang walang load. hahahah.. hindi pa kasi uso unlimited text nun, kaya katamad magload at maghanap ng katext.


Smart Amazing Phone
(From Cori >> Tange)
Ang Una kong cellphone na may camera. Maganda sana to eh, kaya lang sirain ang joystick at ang mga keypads niya.


Nokia 6020
(From Cori >> Tange)
Maganda tong cellphone na to, kaya lang, para akong si ate, mabilis magsawa sa cellphones.



Sony Ericsson T610
(From ate >> mommy >> tange)
Ang pangalawa kong cellphone na nawala. Ganito kasi yun(background music naman dyan.hehe), galing akong training ng volleyball, at pagod na pagod na ako. May tumawag sa landline namin, at naiwan ko sa sala ang cellphone ko(sa may telepono). Ayun, may malikot ang kamay, kinuha. Full charge siya, pero nung tinatawagan nakapatay.. hayyy, pabayaan nalang, may ganti naman sa mga malilikot ang kamay eh.


Nung nawala ang SE T610, balik ako sa Nokia 6020.


Sony Ericsson Z520a
(From ate >> tange)
Ang pangatlo at sanang huling cellphone ko na mawawala. Nahulog ito sa taxi nung gabi ng JS prom namin nung 4th year. Grabe, 2 buwan pa lang siya sa kamay ko. Hindi ko man lang na-enjoy


Nung mawala ang SE Z520a ko, balik ako kay Nokia 6020. Thank you 6020, for being always there for me, sana di u magbago.. :)



Nokia 3300
(ni-trade in namin si 6020 at nagdagdag pa kami ng php500 para mabili to)
Thanks kay cori dahil siya nagbayad ng php500 upang mabili ito. May USB cable siya, may memory card, at colored. AKALA ko pwede magtransfer ng pictures from PC to Cellphone via USB Cable, hindi pala pwede. Nadismaya ako(huhuhu). Kaya nagsawa agad ako.


Sony Ericsson k700i
(From ate >> mommy >> tange)
ahm, wala lang! colored siya? at pwede lagyan ng themes. hehehe...


Motorola Razr V3i
(From ate >> cori >> tange)
Eto ang kasalukuyang cellphone ko. At happy pa ako sa ngayon. At sana, hindi ito mawala, or manakaw sa akin.


Nokia 6101
(From Kuya Apee >> Tange)
Nagpapasalamat ako kay Kuya Apee dahil ibinigay niya sa akin itong cellphone niya. You're the best(hehe). Anyway, etong cellphone kong to ay para sa aking Sun na sim card, kasi may mga katext din ako sa sun. :)




Kung ikukumpara ang mga naging cellphones ko kay ate at cori. Talo ako, kasi siya, nagiging cellphone nila yung mga yun sobrang sikat pa ang ganung unit, eh pagdating sakin medyo medyo nalang. hehehehe

Pero in fairness, halos lahat ng makakita ng cellphone ni cori, maganda daw, eh ang bilis pinagsawaan ni ate yun. Isa lang meaning nun. Talagang sawain si ate sa cellphone. hehehe

2 spike/s:

GARET said...

parang walang celfone na nagsimula sa name mo ah. hehehe... parang hinihintay mo na yung N73 ah..

Feelingerong Oppa said...

kaya nga eh...

halata ba? heehehehe

Post a Comment

 
Anong Tawag Dun? © 2008. Design by Pocket